Saturday , November 16 2024
Navotas

Navotas City hall lockdwon (24 kawani nagpositibo)

ISINAALALIM sa lockdown ang Navotas City Hall matapos mag­positibo ang 24 kawani sa CoVid-19, ayon sa City Epide­miology and Surveillance Unit.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa naka-lockdown ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit na nagsimula 23 Pebrero, 8:01 pm, hanggang sa Linggo, 28 Pebrero, 11:59 pm.

Ibig sabihin, wala munang transaksiyon sa city hall tulad ng application/renewal ng business permit at pagbabayad ng amilyar, maging ang pagkuha ng plaka ng mga tricycle at PUJ.

May mga papasok aniyang kawani pero para lamang ayusin ang suwel­do ng mga empleyado, gawin ang mga proseso para sa pagbili ng mga kailangan para sa CoVid-19 response, at pag­responde sa emergencies.

“Sa mga may baba­ya­ran na ang deadline ay sa 28 Pebrero, ‘wag po kayong mag-alala. Hihilingin po natin sa Sanggunian na magpasa ng ordinansa ng extension ng pagbabayad hang­gang 5 Marso 2021 nang walang penalty at surcharge,” ani Mayor Tiangco.

Nang unang inianun­syo na may mga kawani ng pamahalaang lungsod na nagpositibo sa CoVid-19, ipina-isolate agad at ipina-swab test ang kanilang close contacts.

Sumailalim sa swab test ang lahat ng mga empleyado ng city hall, kahit hindi sila close contact at nagsasagawa rin ng general cleaning at disinfection tuwing 3:00 pm – 5:oo pm.

“May mga empleyado ng city hall na hindi naman close contact ngunit nag-positive. Ibig sabihin, may mga tao sa komunidad na positibo ngunit hindi na-detect dahil wala silang sinto­mas. Kaya nakikiusap po kami na maging maingat ang lahat dahil talagang kumakalat ang virus,” paalala ng alkalde.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *