Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Arcenas pinaghahandaan si Claudine

KATUWA naman itong si John Arcenas, alaga ng aming kaibigang si Throy Catan. Kaliwa’t kanan kasi ang project niya na bukod sa pagkanta, aba’y susubok na rin sa pag-arte.

Pero bago iyon, balita nami’y hindi ito nagpasindak kay Janno Gibbs nang magkaharap sila sa Happy Times para mag-duet sa segment ng actor/TV host.

Sa segment na Janno Gives kinanta ni John ang A Single Smile at agad niyang nakuha ang simpatya ng viewers. Siguro’y dahil na rin sa kaguwapuhan ng batang ito gayundin sa ganda ng boses. Maganda ang pagkakakanta niya ng A Single Smile, na isinulat ni Romer Timbreza  at inareglo ni Elmer Blancaflor na available na sa Spotify at sa iba pang online music platform.

Sa pakikipag-uusap ni John kay Janno, ikinuwento nito kung paano siya nadiskubre, kung sino ang mga music imfluence niya, at kung paano siya nakasali sa Kapamilya reality show na I Can See Your Voice.

Masaya si John dahil naka-duet din niya sa segment na iyon si Janno sa mga awitin nina Basil Valdez, ang Ngayon at Kailanman at Fly Me To The Moon nina Frank Sinatra at Count Basie. 

Bukod sa pagiging singer, endorser din si John ng Erase Beauty Care, isa sa pinaka-popular na beauty product sa merkado ngayon. Kasama niya rito ang kapatid sa management at dating Tawag ng Tanghalan contestant na si Irene Solevilla.

Ngayong March uumpisahan na ni John ang online show na The Dadadoos, isang children show. Pinaghahandaan naman niyang mabuti ang pelikulang ATE ni Claudine Barretto.

Aniya, susubok sa kanyang kakayahan ang ATE dahil isang Claudine Barretto ang kasama niya. Kaya naman ngayon pa lang pinaghahandaan na niya itong mabuti.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …