Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janno Gibbs, binanatan na naman si Kitkat!

MUKHANG hindi pa nagkakaroon ng clear cut ending ang alitan sa pagitan ng Happy Time co-hosts na sina Janno Gibbs at Kitkat.

A few hours after masulat ang kanilang pagkakaayos, binanatan na naman ni Janno Gibbs si Kitkat on Instagram.

Pinalalabas raw kasi ni Kitkat na walang nagawang kasalanan sa nangyaring kaguluhan sa taping ng Net 25 noontime show last February 18.

Hindi naman daw papayag si Janno na patuloy na madungisan ang kanyang reputasyon.

According to the 51-year-old singer/comedian/TV host, it was Kitkat who started the hullabaloo.

According to Janno’s Instagram post last February 23:

“Nagpakumbaba na po ako. Tiniis ko ang pangba-bash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya.

“Humingi na po ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nag-umpisa ng lahat.

“I was provoked. Ipinahiya sa harap ng maraming tao sa studio.”

Nagkaayos na raw sila kanina pero hindi raw niya matanggap ang bagong post ni Kitkat on Facebook na pinalalabas nitong wala siyang naging kasalanan sa gap nilang dalawa.

“Pinag-ayos na po kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko na po kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin.

“Ngunit ngayong gabi ay nag-post na naman sya. Pinalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko na po kayang palampasin ito.”

According to Janno, pati kanyang mga anak ay nadaramay sa isyu kaya hindi na niya kayang manahimik na lang.

“Kailangan ko nang ipagtatanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nkatanggap din ng batikos sa mga tao.

“Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan.”

Anyway, nagsimula raw ang away ng dalawa dahil napikon si Janno sa taping nila ng segment na “Kantanungan” last February 18.

Parang pinapaboran raw kasi ni Kitkat ang kalaban ni Janno sa segment na si Marco Sison.

Dahil dito, bigla na lang daw dinuru-duro ni Janno si Kitkat at binanatan ng sandamakmak na mura.

Nag-walkout raw sa studio si Janno at hindi na tinapos ang taping, kaya mag-isa na lang si Kitat na nagpatuloy ng show.

Bukas, February 24, ay live ang Happy Time at hindi na ipalalabas ang nai-tape na episode last February 18.

Pero dahil sa unsavory development, hindi alam kung sisipot sina Janno at Kitkat para makasama ng co-host nilang si Anjo Yllana.

 

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …