Saturday , November 16 2024

2 pulis patay sa ‘misencounter’ ng PDEA at QCPD sa drug operations

ni ALMAR DANGUILAN

DALAWANG pulis ang namatay sa sinabing ‘misencounter’ sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) habang kapwa nagsasa­ga­wa ng buy bust operation ang mag­kabilang tropa sa harap ng isang mall sa Commonwealth, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Habang isinusulat, hindi pa rin ibinibigay ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na pulis na kapwa naka­talaga sa QCPD District Operation Unit (DSOU).

Ilan din ang sinabing sugatan at isinugod sa ospital.

Sa panig ng PDEA, wala iniulat na namatay o nasugatan sa nasabing ‘misecounter.’

Sa inisyal na ulat, dakong 6:00 pm nang magkabarilan ang mga operatiba ng PDEA Special Enforcement Service at DSOU dahilan upang magkaroon ng tensiyon sa loob ng Ever Gotesco.

Pinigilan ng mga awtoridad na makapasok ang mga residente sa subdibisyon malapit sa pinangyarihan ng enkuwentro at hindi gumalaw maging ang daloy ng mga sasakyan.

Ayon sa isang source, posibleng hindi nagkaroon ng koordina­syon ang PDEA at DSOU sa gagawing operasyon kaya nagkaroon ng enkuwentro sa pagitan ng dalawang law enforcement group.

Nagsagawa umano ng ‘sell bust’ o magbeben­ta ng droga ang asset ng PDEA, habang buy bust operations o bibili naman ang asset ng DSOU.

Nang dadakmain na ang asset ng DSOU, doon na nagkaroon ng barilan sa pagitan ng mga operatiba ng PDEA at ng QCPD.

“Posibleng labanan diyan ay asset to asset,” ayon sa source.

Samantala, ayon kay QCPD Director, P/BGen. Danilo Macerin, legitimate ang operasyon ng kan­yang mga tauhan mula sa DSOU, sa nasabing lugar.

Ganito rin ang pahayag ng PDEA.

Kamakalawa, isang PDEA agent ang niratrat sa San Jose del Monte City, Bulacan, na sinabing sangkot sa  sa P11 bilyong puslit na droga sa Bureau of Cutsoms (BoC) noong 2018.

Kinilala ang bikti­mang si Alejandro Liwa­nag, alyas Gerry, kilalang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sinabing naninirahan sa Brgy. Gaya-Gaya, sa naturang lungsod.

Sa ulat, naghihintay ng hearing sa korte dakong 9:00 am kahapon ang biktima, kaugnay umano ng mga hawak na kaso, nang naisipan ng asawang si Vanessa Gerona Liwanag na kumain muna sa Kubo sa Bayan, isang restaurant malapit sa city hall.

Habang kumakain ang mag-asawa, biglang dumating ang mga suspek na nakasuot ng bonnet sakay ng motor­siklo, bumaba ang mag­ka­kaangkas at pinaulanan ng bala ng kalibre .45 baril ang biktima.

Sa imbestigasyon, nabatid na 13 bala ang tumamang lahat sa mukha ng biktima na sinabing tumapos sa kanyang buhay.

Ayon sa ilang nakasaksi sa krimen, may backup na puting van ang mga suspek na kasamang tumakas matapos ang pamamaril.

Noong 2018, kabilang si Alejandro sa mga pulis na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) na umano’y sangkot sa pagpuslit ng P11-bilyong halaga shabu.

Ito ang pamosong shabu sa magnetic filter na nakalusot sa Bureau of Customs.

Kasama ni Liwanag sa asunto sina Senior Supt. Eduardo Acierto, Senior Supt. Leonardo Suan, Senior Supt. Lorenzo Basha, P/Insp. Lito Perote, at P/Insp. Conrado Caragdag.

(May kasamang ulat ni MICKA BAUTISTA)

 

 

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *