Monday , December 23 2024

NBI entrapment sa loob ng BI legal officer office

NITONG isang linggo, nayanig ang Bureau of Immigration (BI) employees sa isang entrapment operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang law firm’s lason ‘este’ liaison officer sa 4th floor ng Legal Division ng BI-Main Office.

Ayon sa nakalap nating impormasyon, si Vivian Lara na mas kilala sa Bureau bilang si Vivian Kumar (kamaganak kaya ni James Kumar?), accredited travel agent na konektado sa Calalang Law Office, ay na-entrap matapos tumanggap ng halagang P900,000 marked money mula sa hindi nagpakilalang kliyente na nagpapaayos ng visa ng Chinese nationals na paparating sa bansa.

Wattafak!

Hindi naging malinaw kung ano ang puno’t dulo ng naturang transaksiyon maliban sa sinasabi na noon pa man ay tinutugaygayan na ng NBI ang mga ganitong klaseng transaksiyon pagkatapos pumutok ang isyu tungkol sa ‘pastillas’ scheme sa airport.

Sinasabi rin sa ulat na sa bawat transaksiyon ay umaabot sa P550,000 ang sinisingil ng suspek sa bawat Chinese na nagpapagawa ng kanilang working visa?

Fact sheet ‘yan!

‘Kotabels’ na maliwanag si Ate Vi?

Pero mariing itinanggi ng law firm na Calalang na konektado sa kanila si Vivian Lara a.k.a. Vivian Kumar. Paano ipapaliwanag ng naturang law office ang identification card na gamit ng suspek sa kanyang mga transaksiyon.

Nangyari ang entrapment dakong 10:00 am kung saan naganap mismo ang bayaran sa opisina ni BI Legal Officer Atty. Arnulfo “Noli” Maminta na noong araw na ‘yun ay nagkataong wala sa kanyang opisina.

Ang naturang travel agent ay agad isinama ng NBI sa kanilang opisina para imbestigahan at malaman kung anong mga kaso ang isasampa laban sa kanya.

Samantala, agad din nagpalabas ng depensa ‘este’ press release ang opisina ni BI Commissioner Jaime Morente at sinabing paiimbestigahan ang pangyayari at papanagutin ang sinoman sa kanilang mga empleyado na involved sa pangyayari.

Ganern!?

Excuse me po, may nangyari ba sa imbestigasyon noon kay Maminta tungkol sa talamak na ‘visa for a fee’ sa SM Aura?

Pakisagot na nga po Mr. Commissioner.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *