SA Cebu na pala namamalagi si Baron Geisler at lumuluwas lamang siya ng Maynila kapag may project na gagawin.
Naikuwento ni Baron sa virtual media conference para sa pelikula nilang Tililing ng Viva Films na nag-iba ang buhay niya nang magka-anak.
“To have your own child is such a great and wonderful experience. It’s such a blessing. She’s my pride and joy,” anang actor.
“Somehow, natulungan niya rin ako na mawala ‘yung pagkaano ko, I don’t wanna use this term, but I have to, ‘yung pagkatililing ko,” pag-amin ni Baron na ininda niya ang ukol sa mental illness.
“I won’t hide it. I have a little bit of mental illness. I’m kinda crazy also, and I’m also recovering alcoholic. But I do my job, I do my work to get better,” giit niya.
“For me, there’s room to become a better you and to improve yourself and there’s always room for improvement as long as you want it and I really want this.
“I want a family life, the whole package, wife, home, kids. I’m embracing it here right now in Cebu,” kuwento pa ng magaling na actor.
Sinabi pa ni Baron na masaya ang buhay nila sa Cebu at malaki ang nabago sa kanya dahil sa lugar na ito. ”I love everything about Cebu. The culture is great here. It’s somewhat a little different from Manila. Forty to 45 minutes away, nasa dagat ka na, nasa bundok ka na.
“The people here are very straightforward. Ibig sabihin, hindi mga plastic ang mga taga-Cebu kaya gustong-gusto ko sila.”
“Rito ako nag-transform to a better human being, and I met my wife here also and I also met God here you know. I discovered how great God is so that’s why my heart is here in Cebu.”
Showing na ang Tililing sa March 5 na idinirehe ni Darryl Yap at pinagbibidahan din nina Gina Pareno, Candy Pangilinan, Donnalyn Bartolome, Yumi Lacsamana, at Chad Kinis.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio