Wednesday , November 20 2024

Imbestigahan ang mga kasabwat ni Vivian Kumar

SA GANANG ATIN, tila malalim ang pinaghuhugutan ng nangyaring operasyon ng NBI sa mismong BI Main office.

Hindi natin alam kung bago ang naturang operasyon ay nakipag-coordinate muna ang NBI sa opisina ni Commissioner Morente tungkol sa magaganap na entrapment.

Kung hindi, tila ‘sampal’ ito sa mga opisyal ng BI dahil hinayaan na lang nila pasukin ang kanilang opisina nang ganon-ganon na lang?

Bilang kapwa law enforcement agency, importante sa bawat opisina ang koordinasyon dahil tanda ito ng respeto sa puno ng ahensiya. Unless na may basbas mismo si Secretary of Justice Menardo Guevarra sa gagawing operasyon at piniling gawing sikreto o biglaan ang entrapment upang hindi masunog ang trabaho ng NBI.

Pero bakit naman gagawin ni SOJ ang ganito kung sakali?

Mahirap kasi paniwalaan na wala munang pre-ops na gagawin ang NBI bago mangyari ang actual operation. Since nangyari na ang ‘casing’ sa kanilang subject, mas mainam na ipagbigay alam muna sa ‘puno’ ng ahensiya o kagawaran nang sa ganoon ay hindi lalabas na nananagasa ang law enforcers lalo’t ‘magkapatid’ na ahensiya ang BI at ang NBI.

BTW, marami ang nagsasabi na talamak nga raw sa singilan ng kliyente ang naturang travel agent at madalas din daw magkuwento tungkol sa kalakaran sa BI Legal Division.

Chikadora pala si ate!

Ito raw ang dahilan kung bakit nagagalit at naiinggit ang ibang nakakikilala sa ‘ahente’ kaya hindi maiaalis na baka may nagtimbre sa mga awtoridad ng kanyang mga transaksyon sa BI.

Matabil pala talaga?!

Bukod daw sa mga Chinese na kliyente, kilala rin daw sa mga bombay na clients ang na-entrap kaya nga Vivian Kumar ang tawag sa kanya.

Ganern?

Tanong ng marami, bakit naman daw sa office ni Atty. Noli Maminta nangyari ang pay-off kung noong oras na ‘yun ay wala naman siya?

Madalas ba na may ganyang transaksiyon sa opisina n’ya?

Balita natin ay matagal na raw hindi pumapasok sa kanyang opisina si Maminta mula nang pumutok ang pandemic!

Alin ang paniniwalaan natin?

Alam o hindi alam ni paminta ‘este’ Maminta ang ‘pitsaan’ sa opisina niya?

Malalim pa rin ang balon kung gano’n?!

Hik! Hik! Hik!

Mas maganda siguro kung maging ang secretary ni Maminta na nangngangalang ‘Gracia’ ay imbestigahan din ng NBI kung bakit pinayagan niya na maglabas-masok si Vivian Kumar nang wala namang official business sa kanilang opisina noong mga oras na iyon.

Hindi kaya sa kabilang opisina ang processsing ng mga dokumento at ang bayaran ay doon lang kina Maminta?

Ano sa palagay ninyo Atty. Homer?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *