Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FDCP ‘s advocacy tuloy kahit binawasan ang budget

TINAPYASAN man ang budget ngayong 2021 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) tuloy pa rin ang mga makabuluhang proyekto nila.

Ani FDCP Chairwoman Liza Dino, hindi  mahahadlang ng kakulangan sa budget ang nasimulang adbokasiya nila para sa ikauunlad ng entertainment industry. Hindi rin nila babaguhin ang mga nakalinyang proyekto.

Isa na ang annual Film Ambassador’s Night na nagbibigay-pugay sa mga film industry creatives, artists, filmmakers, at films ng various formats na binibigyang pagkilala mula sa mga international film festival at award-giving bodies.

“FAN will bestow special awards to pay tribute to the invaluable contributions of film industry stakeholders who continuously work for the betterment of Philippine Cinema,” giit ni Liza.

Sa February 29 gagawin ang online awarding ng FAN 2021 via livestream sa FDCP Channel.

May 60 honorees at special awardees ang pararangalan ng FDCP, kabilang na ang filmmakers na sina Rafael Manuel at Lav Diaz na malaki ang naiambag sa movie industry.

Sina Alden Richards, Lovi Poe, Cherie Gil, Cong. Alfred Vargas, Dingdong Dantes, Arjo Atayde, Cristine Reyes, Allen Dizon at iba pa sa larangan naman ng pag-arte

Ang Haligi ng Industriya Award ay ibibigay kay Cinematography Icon  Romy Vitug at ang Ilaw ng Industriya Award naman ay kay Gloria Romero.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …