Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex Castro, thankful sa pag-aalaga ng BeauteDerm at ni Ms. Rhea Tan

IPINAHAYAG ni Alex Castro na magandang buwena mano ng taon ang pag-renew niya ng contract sa BeauteDerm.

Ang naturang kompanya ng President and CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang isa sa top leaders ng beauty and wellness industry sa bansa.

Ayon sa aktor/public servant, flattered siya na muling pagkatiwalaan ng lady boss ng Beautederm.

Aniya, “Maganda ang pasok ng 2021 sa akin dahil alam ko na makakasama ko pa rin ang Beautederm family, especially ang aming CEO na Ms. Rhea Tan.”

Masayang dagdag ni Alex na isa ring Board Member ng Bulacan, “Sobrang flattered na mapagkatiwalaan pa rin ako na mag-endorse ng Beautederm dahil iba kapag endorser ka ng Beautederm… established na kasi ang product na ito and maraming mga Filipino at mga kababayan natin sa ibang country at dito sa atin ang tumatangkilik nito. Kaya sobrang nakaka-proud talaga!”

Ano ang fave products niya rito? Tugon ni Alex, “Halos three years na ako sa Beautederm, nagagamit ko lahat ng products at lahat ay effective talaga. Ang products like Spruce & Dash ang bago kong favorite, akala ng iba ‘pag lalaki hindi ka dapat masyadong maalaga sa skin mo at sa sarili mo. Pero ngayon talaga, dapat lagi kang fresh at ang skin mo hindi mo napapabayaan…

“Hindi naman sa maarte, dapat lang na alagaan mo rin talaga ang sarili mo at diyan ay swak na swak ang Beautederm.”

Nabanggit din niyang thankful siya sa pag-aalaga sa kanya ng Beautederm at ni Ms. Rhea. Lahad ni Alex, “Iba kasi talaga mag-alaga ang Beautederm at si ate Rei, ramdam mo na pantay-pantay ang tingin niya sa aming mga ambassadors niya, kaya sobrang thankful ako. Alagang- alaga kami, minsan personal pa siyang mangungumusta sa amin, nakikipagkuwentohan, alam namin na pamilya kami rito sa Beautederm.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …