ISA sa magandang nangyari nitong pandemya ay ang pagkakaroon ng magandang usapan at paliwanagan nina FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair Liza Diño Seguerra at FAP (Film Academy of the Philippines) Director General Vivian Velez. Ang dialogue ay para sa kapakanan ng mga miyembro ng industriya.
Nagkaroong ng ‘di pagkakaunawaan ang dalawa sa ilang mga bagay pero gaya nga ng sabi ni Chair Liza, nagkaroon na sila ng dayalogo at sa dulo nga ng komunikasyon nila ay natuon pa rin sa kapakanan ng mga kasamahan sa industriya.
Nabanggit din ni Chair Liza na may ilang mga bagay pa na nai-suggest si Vivian sa ilan sa mga naidagdag na karangalang ipagkakaloob sa FAN.
Kahit naman nagagahol ngayon sa pondo ang FDCP, dahil aminado naman si Chair Liza na may mga pagbabawas na naganap sa budget na ipinagkaloob din sa kanila ang gobyerno, malaki naman ang pasalamat niya sa ilang LGUs na siya rin niyang nalalapitan para makatulong din at sumagot sa ilang kailangang pagkagastusan. Milyones ang usapan dito.
Ngayon pa lang, sa pagsasabi nitong matatapos na ang termino niya sa 2022, marami na ang nalulungkot. Dahil walang maisip kung sino ang hahalinhin sa kanya na ‘sing sipag niya sa pag-aaruga sa mga taga-industriya.
Nakausap din ng Hataw si Vivian tungkol sa magandang naging balita ni Chair Liza sa pag-uusap nila. Inalam namin kung paano ba nagsimula ang lahat.
“I forgot na exactly. Mahaba ‘yung meeting, so I suggested on different topics. Spontaneous kasi ang discussions.
“Maraming napag-usapan, especially on how we can uplift the spirit of the industry. And siyempre, on how we can recover even during pandemic. Salamat naman.”
Cliché ng sabihin’g “all’s well, that ends well.” Pero sa nangyari, magandang senyales sa pag-u-unite ng mga namumuno sa ating industriya ang nagaganap na sana nga ay nagtuloy-tuloy na!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo