Saturday , November 16 2024

Inirekomendang MGCQ sa bansa tinabla ni Duterte

ni ROSE NOVENARIO

TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni Socio Economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na isailalim ang buong bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) upang mabuhay ang ekonomiya.

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa gabinete na hindi niya idedeklara ang MGCQ sa buong Filipinas habang wala pang bakuna kontra CoVid-19.

“President Rodrigo Roa Duterte gave his directive to the Cabinet that the Philippines would not be placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) unless there is a rollout of vaccines,” ayon sa kalatas ni Presidential Spokesman Harry Roque kagabi.

Ani Roque, kinikilala ng Pangulo ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng ekonomiya at ang epekto nito sa kabuhayan ng mga mamamayan ngunit mas binigyan importansiya ng punong ehekutibo ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Giit niya, nais ng Pangulong mag-umpisa na ang pagbabakuna sa lalong madaling panahon upang lumuwag ang community quarantine.

Nauna rito’y tinawag ng research group na IBON Foundation na makitid at desperadong hakbang ang pagsasailalim sa bansa sa MGCQ sa gitna ng patuloy na kabiguan na tugunan ang pandemya sa bansa.

Naniniwala ang grupo na masyadong mahigpit ang ipinatutupad na quarantine restrictions mula noong isang taon kaya lalong bumabagsak ang ekonomiya ngunit ang pagluluwag ng community quarantine ay hindi magreresulta sa pagbangon ng ekonomiya hanggang walang tunay na ayudang pinansiyal habang ibinibilad sa mas mapanganib na pagkalat ng CoVid-29 ang mga mamamayan.

Binigyan diin ng IBON, ang panukalang pagluwag ng community quarantine ay isinusulong habang lumolobo ang bilang ng CoVid-19 cases sa pagpasok ng 2021.

Ipinagtaka ng IBON kung saan humuhugot ng pag-asa na natutugunan na ng pamahalaan ang CoVid-19.

“IBON also highlighted how spending even slows this year with the P4.5 trillion 2021 national budget just a 9.9% increase from the 2020 budget. As it is, the Philippine CoVid-19 response is the smallest of the major countries of Southeast Asia at just 6.3% of GDP according to the Asian Development Bank (ADB).”

Ipinanukala ng IBON ang pagbibigay ng gobyerno ng P10,000 bawat buwan bilang emergency cash subsidy sa 18 milyon “poor and low-income families (poorest 75% of families) or P10,000/month for up to three months or P5,000 for six months. This amount comes to P540 billion.”

“P100 emergency wage relief for workers (towards eventual implementation of a P750 national minimum wage). Micro, small and medium enterprises (MSMEs) can be supported to give this for three months with a P101 billion fund.”

“P40.5 billion cash-for-work programs for the unemployed. P78 billion financial assistance (zero/low interest rate and collateral-free loans) for informal earners.”

“P200 billion in financial assistance (zero/low interest rate and collateral-free loans) prioritizing Filipino-owned and domestically-oriented MSMEs.”

“P220 billion in agricultural support to increase the productivity of farmers and fisherfolk.”

“P200-billion CoVid-19 health response and P113-billion distance education to ensure quality education.”

Puwede umano itong tustusan ng pamahalaan sa pamamagitan ng realignment ng pondo na aabot sa P3.9 trilyon gaya ng P1 trilyon sa emergency bonds at iba pang government securities, P391.9 bilyon sa kagyat na kita mula sa progressive tax lalo ang wealth tax, at may P333 bilyon mula sa land value tax.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *