Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean de Guzman patuloy sa paghataw ang career

BAGO pa man naging big hit ang pinagbidahang     pelikula ni Sean de Guzman na Anak ng Macho Dancer, sunod-sunod na ang natatamo niyang blessings.

Bukod sa guaranteed 10 picture movie contract sa Viva Films at endorsement, pati sa TV ay nabigyan din ng pagka­kataon ang guwapitong actor na magpakita ng kanyang talen­to. Isa si Sean sa tampok sa teleserye ng Net25 na pina­magatang  Love From The Past.

Ito ay isang love-drama-fantasy series na pinamamahalaan ni Direk Joel Lamangan at tinatampukan din nina Lotlot de Leon, Lloyd Samartino, Nella Dizon, at Francis Magundayao and Claire Ruiz.

Ano ang role niya sa pinakabagong seryeng ito ng Eagle Broadcasting Corporation. “Isa po akong katipunero sa serye na may ka-love team po ako roon, siya po ang anak po ni Allen Dizon – si Nella Dizon,” saad ni Sean.

Dagdag pa niya, “Sobrang saya ko po dahil ito po ‘yung first TV series ko na gagawin sa Net25.”

Ang susunod na aabangang pelikula sa aktor ay isang comedy naman na may titulong Ang Huling Beki sa Balat ng Lupa. Magiging co-star niya rito si Teejay Marquez. Kaya isa na naman ito sa katuparan ng panga­rap ni Sean, dahil gusto raw niyang makaganap ng iba’t ibang klase ng role at maging isang versatile na actor.

“Opo, pangarap ko po iyon e, ang magampanan ang iba’t ibang role, lalo na at may darating po akong bagong movie na isang comedy naman,” sambit pa niya.

Ano ang masasabi niya na mula sa pasayaw-sayaw at pakanta-kanta noon ay nagbibida na siya ngayon sa pelikula at telebisyon?

Nakangiting wika ni Sean, “Nakakatuwa and nakaka-proud, dahil dati ay parang dito lang kami sa level na ito, perform-perform lang kami… but ngayon ay pinapasok na namin ‘yung industriya ng pag-arte sa pelikula at TV.

“Kaya sobrang excited po ako sa kalalabasan ng mga ginagawa namin ngayon at sa mga project po na nakahain sa amin,” masayang esplika niya.

Si Sean ay under ng 3:16 Events & Talent Management ng mabait na manager na si Ms. Len Carrillo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …