Saturday , November 16 2024
road accident

Rider todas sa pick-up (Motorsiklo vs Ford Ranger)

HINDI nakaligtas sa kamatyan ang isang 32-anyos rider matapos sumalpok ang kanyang minamehong motorsiklo sa isang Ford Ranger pick-up sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang  si Paul Michael Abalaza, residente sa Capaz St., 10th Avenue, Brgy. 63 ng nasabing lungsod sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Kusang-loob na sumuko sa pulisya ang driver ng Ford Ranger Pick-up na kinilalalang si Dave Raniel Famero, 26 anyos, site engineer at residente sa B3 L3 Servants of Charity, Tandang Sora, Quezon City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni P/Cpl. Dino Supolmo, tinatahak ni Famero ang kahabaan ng B. Serrano St., patungong EDSA habang tinatahak ng biktima ang kahabaan ng 7th Avenue patungong Rizal Avenue Extension.

Dakong 10:20 pm, pagdating sa intersek­siyon ng 7th Avenue at B. Serrano, Brgy. 109, bumangga ang mina­manehong motorsiklo ng biktima sa kanang bahagi ng pick-up Ford Ranger na minamaneho ni Famero.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa motorsiklo at bumagsak sa sementadong kalsada kaya’t agad na isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Iniharap si Famero sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *