Bilang suporta sa ikaapat na taong ‘di makatarungang pagkakakulong kay Leila de Lima, muling magsasama-sama ang mahuhusay at kilalang musikero, artista, aktibista, lider, at relihiyoso sa loob at labas ng bansa, para sa isa na namang gabi ng “online community jamming” o ang Leilaya! Mga Tinig at Himig ng Paglaya sa Pebrero 24, Miyerkoles, 7:30 p.m. via livestream sa official Facebook page ng Senadora at Free Leila de Lima Movement (FLM) FB page.
Kabilang sa mga magtatanghal sina Ebe Dancel, Bugoy Drilon, Gary Granada, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Cookie Chua, Jim Paredes, Agot Isidro, True Faith, mga singer mula Amerika at mga banda mula sa ibang bansa.
Makikibahagi rin dito sina Vice President Leni Robredo, Senator Frank Drilon, Senators Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Atty. Chel Diokno, Joel Lamangan, Mae Paner, Pinky Amador, Bishop Broderick Pabillo, at marami pang personalidad.
Si De Lima ay kinikilalang kampeon ng karapatang pantao at pinakamatinding kritiko ng administrasyong Duterte. Noong Pebrero 24, 2017, ipinakulong si De Lima dahil sa mga kasong tinatawag niyang bogus at batay lamang sa mga gawa-gawang paratang.
Kamakailan, naabsuwelto ang Senadora at ibinasura ng Korte ang isa sa tatlong kaso laban sa kanya.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio