Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart sa pagiging selosa: tatanda ka hindi siya nakagaganda

HEART month ang Pebrero kaya naman ukol sa lovelife ang napagkasunduang pag-usapan nina Maja Salvador at Heart Evangelista sa vlog ng una na may title na Usapang Puso.

May 401K views agad in 22 hours ang naturang vlog. Nakaaaliw naman kasi ang usapan ng dalawa kaya hindi na kataka-taka kung marami ang agad na nanood. Kumbaga eh, aura kung aura.

Napag-usapan ng dalawa ang ukol sa selos kaya pag-amin ni Heart,  selosa siya noon.

”Noong mas bata ako, medyo sensitive ako. Especially kasi artista tayo, so parang you’re legally cheating on each other by kissing other people, ‘di ba?

“Mahirap siya intindihin. But noong tumagal, parang naisip ko na tatanda ako kakaselos. Hindi siya nakagaganda,” natatawang tsika ni Heart.

“Noong bagets ako, MU-MU pa with John Prats, super habol ako. Mukha akong tanga. Ang pangit pangit ko tuloy tingnan.

“Kasi kahit gaano kaganda ang babae, kapag wala siyang self-worth or habol siya nang habol, alam mong lagi lang siya nandiyan, ite-take mo for granted.

“Until one day, sabi ko, I think I’m gonna sit still, hayaan ko sila magkagulo and magmamaganda lang ako.”

Masyado namang clingy si Maja, pag-amin nito.

“Noong bata-bata ako, grabe rin akong magselos at saka clingy kasi ako. So kapag mga three days walang paramdam, iba na ang feeling. Pero nag-mature na naman ako, kaya mga five days na ang maximum,” anang aktres na bago sila nagsimulang magtsikahan ay nagsabing nag-effort siya sa kanyang outfit dahil si Heart ang kasama niya.

Pero ngayon, ani Maja, hindi na siya seloso sa relasyon nila ni Rambo Nunez. Ganoon din naman si Heart ngayong sila na ni Chiz Escudero.

“Ako, mas complicated ako kasi he was married before, he has two kids so it’s really hard to understand especially napaka-immature ko noon. Pero ngayon, I feel na I’m different and mas nakagaganda talaga ‘yung confident ka,” tsika pa ni Heart.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …