Friday , November 15 2024
arrest prison

Ginang, huli sa cara y cruz plus shabu

BALIK-KULUNGAN ang isang 45-anyos ginang na nakuhaan ng ilegal na droga nang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Carlos Irasquin, Jr., kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6:00 pm, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, Lamesa St., Brgy. Ugong nang maispatan ang isang grupo ng mga tao na naglalaro ng cara y cruz.

Mabilis na nagsitakbohan nang mapansin ang pagdating ng mga awtoridad sa magkakaibang direksiyon pero naaresto ni P/SSgt. Rodolfo Pidlaoan si Shirley Morales alyas She, residente sa Mercado St., Gen. T. De Leon.

Nakuha ng mga pulis sa lugar ang tatlong pisong barya gamit bilang pamato sa cara y cruz at P140 bet money habang nakukha sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu, tinatayang nasa P6,800 ang halaga, postal ID, at P100 bill.

Kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutor’s Office laban sa suspek na aminadong dati nang nakulong dahil sa ilegal na droga.

(ROMMEL SALES)

 

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *