LAGPAS kalahati na ang natatapos sa pelikulang Balangiga 1901. Ito ang naibalita sa amin ni Franco Miguel sa mediacon ng The Maharlikans na pinangunahan ni Dr. Shariff Albani.
Magiging bahagi rin si Franco ng naturang pelikula na under JF Film Productions, na siyang nag-produce ng Balangiga 1901.
Ang The Maharlikans ay isang historical film din, kaya tinanong namin si Franco sa reaksiyon niya na tila nalilinya siya sa historical films?
Wika niya, “Oo nga, e. Pero napaganda naman dahil at least, nagiging p1art tayo ng isang instrument para mag-inform sa new generation kung ano ang nangyari at mangyayari pa sa ating bansa.”
Nabanggit din ni Franco ang kagalakan dahil nakita niya ang unity ng Christians at ng Islam. “This nice gesture is one good sign that the movie The Maharlikans will speak on unity, peace and love,” pakli pa niya na nabanggit din na after ng dalawang pelikulang ito, may kasunod pang gagawing dalawang movie pa.
Ayon kay Dr. Albani, plano nilang kunin si Cesar Montano para maging isa sa bida sa nasabing pelikula. Bukod kay Franco ay makakasama rin sa The Maharlikans sina Jeffrey Santos, Onyok Velasco, Samantha Marquez, Rob Sy, Alma Soriano, at iba pa.
Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Danny Marquez, kasama ang beteranong si Direk Jun Posadas.
Si Franco ay nagsimula sa showbiz noong 1998.
Napanood siya sa mga pelikulang sexy tulad ng Nena Inosente at ang kanyang launching movie ay Mapupulang Rosas with Allona Amor.
Isa sa nagawa niya kamakailan ay advocacy film na Parola na mula sa tandem nina Direk Jun Posadas at Direk Danny Marquez.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio