TEASER pa lang ay riot na sa katatawanan ang pelikulang Ayuda Babes na pinamahalaan ni Direk Joven Tan.
Pinagsama-sama rito ang mga pambatong stand-up comedian sa bansa like Ate Gay, Negi, Iyah Mina, Petite, Joey Paras, Brenda Mage with Berni Batin,
Tampok dito si Gardo Versoza, with Christi Fider, Zeus Collins, Bidaman Dan Delgado, at may special participation sina Marlo Mortel at Marc Logan.
Ayon kay Christi, nag-enjoy siya sa paggawa ng pelikulang ito. “Yes. First mainstream movie ko ‘to… so at first ay very kabado ako, natatakot ako magkamali. Pero sobrang gaan lahat ng katrabaho ko sa set and thankful ako kasi ginuide (guide) talaga ako ni Direk Joven,” wika niya.
Ano ang role niya sa movie? “Iyong role ko sa Ayuda Babes, pamangkin ako ng may-ari ng salon (Joey Paras), ‘yung challenge sa akin sa movie is paano ako magkaka-lovelife during the lockdown. Kapartner ko rito si Marlo Mortel,” esplika ni Christi na nagpasikat ng kantang Teka, Teka, Teka.
Paano niya ide-describe ang kanilang movie? “For me it’s a symbol of hope na tayong mga Filipino kahit na maraming nangyayari na negative sa paligid natin, we always look at the brighter side and lumalabas din ‘yung pagkadiskarte natin sa buhay,” saad ni Christi.
Ang Ayuda Babes ang pinakabagong handog ng Saranggola Media Productions. Hatid ng pelikula ang mga kakaibang kuwentong-barangay at kung ano-anong eksena ng madlang people habang naka-lockdown sa bahay at naghihintay ng ayuda. Kaya tiyak na maraming makare-relate sa movie.
Ipalalabas ang Ayuda Babes sa iWant TFC at sa Ktx.Ph simula March 5.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio