Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jamie sa We Give Our Yes — I think this is my mission

ISANG malaking karangalan para kay Jamie Rivera na kantahin ang  inspirational song na We Give Our Yes, ang official mission song ng  500 Years of Christianity sa Pilipinas na nagsimula ngayong buwan.

Sa virtual media conference kahapon sinabi niyang, ”I think this is really my mission, a mission for me to be able to give people a prayer and, at the same time, they could sing with it as well.”

Ipinarinig ng tinaguriang Inspirational Diva ang kanta sa isang napakagandang performance sa ASAP Natin ‘To noong Linggo kasama ang The Company at iba pang Kapamilya singers na sina Erik Santos, Jeremy Glinoga, Jed Madela, Jason Dy, at Nyoy Volante.

Noong Pebrero 6 unang ipinarinig ni Jamie ang We Give Our Yes, mula sa Star Music, sa Manila Cathedral bilang pagsisimula ng Archdiocese of Manila ng 500 Years of Christianity festivities.

Noong Linggo naman inilabas ng Star Music ang We Give Our Yes music video. Kasama ang lyric video nito na may mahigit 150K combined views na sa Star Music YouTube channel.

Si Frank Mamaril ang nagdirehe ng music video na kinuhanan sa Manila Cathedral at nagtatampok din ng mahahalagang Catholic Church events ng nakaraan.

Isang gown na gawa ni Mak Tumang ang suot at ginamit ni Jaimie sa naturang video.

Si Fr. Carlo Magno Marcelo, multi-awarded church composer, ang  sumulat ng We Give Our Yes at ipinrodyus ng multi-awarded hitmaker at ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo ang rendisyon ni Jamie.

Unang kinomisyon ang kantang We Give Our Yes ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa. Hatid nito ang mensahe ng pananampalataya at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok at paalala para sa mga Filipino na patuloy na mag-‘yes’ sa misyon ni Hesus.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …