Saturday , November 16 2024

RD Danao bumisita sa MPD HQ

MAINIT na sinalubong ng mga pulis sa Manila Police District (MPD) si NCRPO RD P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa isinagawang command visit kasama ang kanyang command group sa MPD Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Sa pagbisita ni RD MGen. Danao, muli niyang ipinaalala sa mga pulis Maynila ang kanyang mahigpit na polisiya na nagbabawal sa ‘lubog’ o pulis na 15/30, tongpats sa droga, at mga hulidap.

Nagsagawa rin ng command conference si RD MGen. Danao sa mga opsiyal ng MPD kabilang ang station commanders para alamin ang kanilang accomplishments at pamamaraan patungkol sa kampanya kontra kriminalidad at droga kasunod ng pagbibigay ng payo tungo sa maayos na pamamaraan.

Ginawan rin ng parangal at binigyan ng cash reward ni RD Danao ang grupo ng MPD Drug Enforcement Unit na pinamumunuan ni P/Maj Dionnel Brandon sa matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakompiska ng 2.5 kilo ng shabu sa Paco, Maynila kamakailan.

Nagtapos ang aktibidad sa isang surprise drug test sa mga opisyal ng MPD.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *