Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jillian Ward, proud sa TV series nilang Prima Donnas

IPINAHAYAG ng Kapuso teen star na si Jillian Ward ang labis na kasiyahan sa magandang pagtanggap ng televiewers sa kanilang top rating TV series na Prima Donnas, na mag­tatapos na this week.

Esplika ni Jillian, “Masaya po, dahil alam ko po na marami kaming napapasaya at nai-inspire. Lalo na po at ang message ng show namin is huwag susuko at laging magmahalan lang po ang pamilya, ang mga mag­kakapatid… parang tulad ng mga Donnas po.”

Dagdag niya, “Nakaka-overwhelm po ang suporta ng public dahil talagang tutok na tutok po sila sa show po na pinaghirapan namin.

“Lalo na po noong nag-lock-in taping kami, mas mahirap po ang trabaho pero todo effort po ang buong Prima Donnas family para mapasaya po ang viewers namin at para po mas mapa­ganda pa ang show.”

Aminado si Jillian na so­brang napama­hal na ang show sa kanya. Ipina­hayag din niya ang pasa­sa­lamat sa lahat ng bumubuo ng kanilang serye.

Aniya, “Napamahal din po ako sa buong production, mga artista, staff and etcetera, lalo na po kina direk Gina Alajar, sa PM po namin na si Ms. Redgynn Alba, and sa iba pa.

“Ang dami ko pong natututunan sa kanila, not only as an actress, but for my private life rin po.”

Anong mga pasabog ang dapat abangan sa ending ng serye nila? Abangan po nila kung kailan po mabubuko si Kendra at Brianna. Kung ano po ang mangyayari sa pamilya Escalante, and kay Ruben po, dahil nga may sakit siya at anong gagawin ni Mayi (character niya) ‘pag nalaman niya.”

Last week, nang naka-chat namin si Jillian, ipinagmamalaki rin ng magandang teen actress ang paghataw sa ratings ng kanilang serye.

Ayon kay Jillian, na-break nila ang record nang humataw sa 13.4 % at 13.7 % ang kanilang TV series.

“May na-break po na record ang Prima Doonas, kami na po ‘yung pinakamataas na ratings sa daytime shows, of all time po ito sa Filipinas. Sobrang masaya po ako dahil na-break po namin ‘yung record,” nakangiting wika niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …