Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ideal man ni Julia tumutukoy kay Coco

KULANG na lang ay sabihing si Coco Martin ang ideal man ni Julia Montes sa isinagawang lie detector test game nila ng asawa ni Dimples Romana, si Papa Boyet.

Sa ilang katanungan ni Papa Boyet kay Julia para sa vlog ng una umaakma ang lahat ng pagkikilanlan kay Coco.

Sa unang tanong ni Papa Boyet  na lalaking nakasando o lalaking naka-jacket, ang isinagot ni Julia ay, ”naka-leather jacket”

Nakoryente si Julia na bagamat nagulat at nasaktan eh tawang-tawa sa ginagawa nila at sinabi pang, ”Yari ako.”

Sumunod na tanong, ”mestizo o moreno?” Nagpapapadyak at natatawang sagot ni Julia, ”Moreno,” at muli siyang nakoryente.

Next question, ”matangkad o sakto lang?” Natatawa pa ring sagot ni Julia, ”sakto lang.” Muli, nakoryente siya at umaming masakit na talaga ang kamay niya.

Tsinek ni Julia ang lie detector dahil nagtataka siya na walang tama sa mga isinagot niya. Pero hindi pa roon natigil ang tanungin nila ng asawa ni Dimples na aniya’y very good friends sila ni Julia noon pa man kaya madalas mang-raid ng pagkain ang aktres sa kanilang bahay.

“Walang pinipiling oras ito kung mang-raid sa bahay,” ani Papa Boyet.

Kaya naman nasabi ni Julia na kulang na lang ay magpa-ampon siya sa mag-asawang Boet at Dimples.

Ang sumunod na tanong naman ay inglisero o makata? Sagot ni Julia, ”makata,”  at muli, nakoryente siya.

Sa huling tanong na, ”manila boy o probinsyano?” Probinsyano ang isinagot niya na nakoryente siyang muli.

Hindi ito ang unang pagkakataon ibinubuko ni Julia ang sarili ukol sa espekulasyon din ng netizens na may relasyon sila ni Coco. Nauna rito ay ang pagkakapareho ng ginamit na garden sa pictorial nila ng actor gayundin ang pagpo-promote ng mga project ni Coco.

May bulong-bulungan pang inuunti-unti na nina Julia at Coco ang netizens para ibulgar na ang totoo nilang relasyon.

Kaya ‘wag nang magtaka kung si Coco nga ang tinutukoy na ideal man ni Julia sa game nila ni Papa Boyet.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …