Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gari Escobar Nora Aunor

Gari Escobar, dream iprodyus ng pelikula ang idol na si Nora Aunor

AMINADO ang singer/songwriter/businessman na si Gari Escobar na matagal na niyang dream na maipagprodyus ng pelikula ang super idol niyang si Ms. Nora Aunor.

Lahad ni Gari, “Alam ng lahat sa 4life, since I joined in 2012 na ang pinaka-goal ko ay kumita nang malaki para mai-produce ng movie si ate Guy. Kasi ‘yun ang isang source of happiness ko, ‘yung lagi ko siyang nakikita, nababasa, napapakinggan, napapanood…

“Kahit ‘yung nakikita ko lang siya mula sa malayo, sobrang saya ko na. Kaya noong nasa US siya, ang lungkot ko noon at may naisulat nga akong songs para sa kanya, ‘yung isa ang title ay ‘Nora ko’.”

Kung sakali, gusto raw ni Gari na mapasali sa pelikulang ipoprodyus. Ano ang gusto niyang role rito?

Pahayag ni Gari, “Gusto ko ang role na akala mo antagonist sa umpisa, ‘yun pala iyon ang sasagip sa kanya, something like that po. Gusto ko siyang maging love interest sana sa movie, para kahit sa pelikula man lang ay maging ‘kami’, Hehehe.”

May bagong movie ang Superstar na ang title ay Kontrabida. Ano ang reaction niya rito?

Wika niya, “Excited po ako sa bagong movie niya… updated ako riyan kuya, hehehe. Si ate Guy naman kahit maliit na movie, ‘pag nandoon siya ay nagiging malaki, nagiging pang-global competition/exhibition. What more kung Joel Lamangan pa ang direktor, tapos si Joed Serrano pa ang producer? Parang sumanib sa kanya ang spirit ni kuya Germs, mahal na mahal niya si ate Guy.

“So definitely, this will be big. Kaabang-abang talaga ang movie ni Ate Guy na Kontrabida.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …