HINDI umano sagabal ang pandemyang dinaranas ngayon ng ating bansa, dahil tuloy na tuloy na ang eleksiyon sa buwan ng Mayo 2022.
Gaya ng bansang Amerika, kahit may pandemya itinuloy ang eleksiyon.
Sa Amerika, maayos ang botohan, disiplinado ang mga botante, kung mayroong karahasan ay dahil sa mga protesta pero natapos ang eleksiyon.
Dito sa Filipinas, malayo pa ang araw ng botohan nagkakagulo na, sa kampanyahan pa lang tiyak na tiyak dahil nandiyan ang mga kamayan at mga miting at pagbabahay-bahay ng kandidato, kaya paano ito maiiwasan sa panahon ng pandemya.
May suhestiyon na online campaign, paano ‘yung FB messenger na puwedeng magkaroon ng bayaran? Hindi pa rin ito iwas gastos, sa aking tingin mas malaki ang gastos ng kandidato dahil malayang masasabi ang gustong hingin na daraanin sa paghingi ng tulong.
Matindi pa sa komprontasyon ang online campaign dahil mas deretsang masasabi ng isang botante ang kanyang presyo para ibigay ang kanyang boto.
Sana hindi umubra ang online campaign. Sa buwan ng Oktubre magsisimula ang paghahain ng certificate of candidacy.
Sigurado ubus-ubos ang mga kandidato sa rami ng naghirap ngayong pandemya.
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata