Kasama ni Boobsie sa Eat’s Singing Time sina Marcelito Pomoy at JC Parker, at ang Kesaya-Saya naman ay tinatampukan nina Robin Padilla, Vina Morales, Pilita Corrales, Kitkat, at iba pa.
Ipinahayag niya kung gaano kasaya na maging parte ng Net25.
Diretsahang saad niya, “Ten out of ten. Ganon kataas! Kumbaga sa percentage, hundred percent na masayang-masaya talaga ako sa network na iyan!”
Dagdag pa ni Boobsie, “Alam mo kuya, hindi ko alam na may Net25 pala na magbibigay lalo nang saya at pag-asa sa mamamayan ng walang pressure, walang puwedeng maghinanakit… although sa ibang channel na alam mo yun na may achuchuchu, may negative kiyeme…?
“Pero rito, ito hindi dahil sa rito ako nakapasok ngayon, ha, pero as an observant, observer ako, di ba? Ang ganda sa network na ito. Ito lang yung hindi kinailangan mag-push ng mga commercial, wala, iba talaga ang Net25, matindi!”
Lahad niya, “Ay napaka… ewan ko lang… basta pang-masa siya, walang shala shala, walang mahirap, walang mayaman, basta napakaganda ng show.
“I mean, katuwaan lang talaga. Hindi ito pabonggahan ng boses, kasi nga Eat’s singing… ‘di ba? So, nandoon yung title niya, kaso yung Eat’s niya, kain, so talagang maano mong may halong kalokohan, may halong entertainment, parang ganoon.
“So, sobrang nakakatawa talaga siya. Ito yung programang hindi mo kailangan ma-stress, alam mo yun? Kasi, katuwaan lang talaga siya. Kaya, iba talaga ang Net25 sa lahat ng channel, sobra!”
Sa tingin niya, first in the Philippines ba ito?
“Kakaiba, kakaiba… at tsaka ang Net25 lang ang parang may ganito, ‘di ba? Ako, lumaki akong ganito at naging artista ako, never pa akong nakakita sa GMA man at sa ABS-CBN ng musical comedy show na ganito, eh.”
Patuloy pa niya, “So every Sunday naman, yung aming Kesaya-Saya with Robin Padilla, hello Robin iyan ha! Plus ate Vina Morales, yung mga legend singers natin na hanggang ngayon ay apaw na apaw sa mga kasikatan at walang pagbabago ang boses like Ms. Pilita Corrales at Darius Razon, ‘di ba?”
Ano’ng masasabi niya kina Marcelito at JC bilang katrabaho?
Wika niya, “Sobrang cool! Ano kami, para kaming magkakapatid. Kumbaga first time kong makatrabaho si Marcelito, ganoon din si JC Parker. Kaso ang ano kasi rito, si Marcelito ay singer, although singer din ako. Si JC Parker ay host-doon siya magaling eh, sa pagho-host. Tapos ako magaling sa pagpapatawa at sa pagkain nga. Kaya nag-ano talaga kami, nag-swak yung aming grupo, kaming tatlo.
“Si Marcelito, although di pa siya ganoon bilang komedyante sa mga ginagawa niya like sa Kesaya-Saya, kasi tuwang-tuwa ako sa kanya sa mga ginagawa niya sa Kesaya Saya eh, dito natutuwa rin naman ako pero as host-comedian, hindi pa siya ganoon kasanay.
“Pero masasanay din naman siya at tinuturuan ko naman. Unti-unti ay mahahasa na rin siya.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio