Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ayuda ni Yorme walang humpay

WALK the talk, hindi puro talkies.

‘Yan ang nakikita natin kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso mula nang mahalal na alkalde lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Iba si Yorme, bukod sa pagsusumikap na makabili ng bakuna laban sa CoVid-19, tuloy-tuloy ang kanyang ayuda sa mga Batang Maynila.

Sana ‘yan ang gayahin ng ibang politiko na napakahusay dumada pero wala tayong makitang mabuting gawa.

Isa-isahin lang po natin, kahapon, Valentine’s Day

Nagpasalant si Yorme kay Bb. Pilipinas Candidate Ms. Patricia Garcia sa kaniyang Valentine’s Day gift para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) at mga Barangay Health Workers (BHW) sa lungsod.

Sa post po mismo ni Yorme, nagpasalamat kay Bb. Patricia Garcia na kinatawan ng Lungsod ng Maynila sa darating na Bb. Pilipinas pageant ngayong taon.

Siya po ay naghandog ng anim na sako ng bigas at 120 hygiene kits and food packs para sa Manila Youth Reception Center. Namahagi rin ng vitamins si Bb. Patricia Garcia sa 120 BHWs sa Maynila.

Kaya naman ang panawagan ni Yorme, suportahan sa darating na Bb. Pilipinas 2021 pageant si Bb. Patricia Garcia.

Magandang balita naman sa mga ka-PESO ang hatid ni Yorme, dahil umabot na sa 1,414,861 washable facemasks ang nagawa ng mga mananahi at master cutter na kasali sa “Face Mask Sewing Livelihood Program” ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).

Ayos ka talaga Yorme!

Iniulat din ni Yorme na sumailalim sa libreng swab testing ng Sta. Ana Hospital ang ilang post-graduate interns ng UST College of Medicine bilang paghahanda sa paglulunsad nila ng  face-to-face clinical rotations.

Una na kasing inaprobahan ni Yorme ang plano ng UST na maglunsad ng limited face-to-face classes sa kanilang medical at allied health programs noong 3 Pebrero. Si Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla ang nangasiwa sa swab testing ng future medical frontliners and healthcare providers ng Maynila.

Kaya pakiusap ni Yorme, dapat sama-sama sa pagpapaunlad ng healthcare system sa lungsod at maging sa buong bansa.

Hindi lang ‘yan may pa-construction ng permanent parking space and installation of Dragon Lamp post sa Chinatown si Yorme.

At higit sa lahat, isinaayos ng mga kawani ng City General Services Office (CGSO) ang comfort rooms sa loob ng Manila City Hall sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bagong granite tiles sa mga pader nito.

At para sa mental health ng mga bata, muling nagsagawa ng storytelling activity ang Manila City Library para sa mga batang nasa pangangalaga ng Manila Department of Social Welfare at pansamantalang naninirahan sa Rasac Covered Court.

Umabot na rin sa 114,936 ang nabigyan ng bakuna kontra measles at rubella sa lungsod mula 1 Pebrero 2021, katumbas ito ng 81.6% ng target ng vaccination population sa ilalim ng “Chikiting Ligtas sa dagdag bakuna kontra Tigdas at Rubella” program. 

Sa tala ng Department of Health, ang Manila LGU ang may pinakamaraming nabakunahang bata sa National Capital Region as of February 11.

Layunin ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Manila Health Department (MHD) na matapos ang measles vaccination program sa darating na linggo.

At ‘yan ay sa pamamahala ni City Health Officer Dr. Arnold “Poks” Pangan katuwang ang mga kawani ng MHD.

Sabi nga ni Yorme, tuloy-tuloy tungo sa isang malinis at maaliwalas na Maynila.

Congratulations Mayor Isko & Vice Mayor Honey Lacuna!

Mabuhay ang Maynila!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *