Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zara Lopez, masayang mapabilang sa serye ng Net25

KATATAPOS lang ng lock-in taping ni Zara Lopez sa Book-2 ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ng Net25.

Ayon sa dating member ng Viva Hot Babe, masaya siyang mapabilang sa Book-2 ng ADKI. “Yes po book two na po ito. Sobrang bait ng staff and directors, ang gagaan katra­baho. And superrrr happy ako kasi naa-appreciate nila ‘yung acting ko,” saad ni Zara.

“For the first time po, na-recognize din ‘yung pag-arte ko. And I did my best, hehehe. Nakatataba po ng puso,” masayang wika pa niya.

Labis din siyang nagpa­pasalamat sa Net25 sa pagbibigay ng project sa mga artista, lalo ang mga naapek­tohan ng pandemic.

Aniya, “Sobrang thankful po ako sa Net25, kasi po ang purpose rin po nila is makatulong sa ibang artista na naapektohan ng pandemic.

“Nakatutuwa po, kasi mas iniisip nilang makatulong at ‘yung kapakanan ng tao sa paligid. Sobrang grateful po ako at binigyan nila ako ng pagkakataon sa project na ito, thankful po ako at sobrang naa-appreciate nila ‘yung ipinakita kong pag-arte rito.”

Dagdag pa niya, “Nagugulat na lang po ako na may mag-approached sa akin na ‘Zara, ang galing mo, natural ‘yung acting mo at natatawa kami sa iyo.’ Mayroon din, ‘Ate Zara pinag-uusapan nila ‘yung acting mo at ang daming nagagalingan sa iyo.’

“Ang sarap po pakinggan na may mga taong nakapansin ng pag-arte ko. Kaya bago po mag-take, lagi po akong nagdadasal na gabayan ako sa bawat eksena. Hindi naman po ako binigo ni Lord, damang-dama ko po ‘yung gabay Niya sa bawat eksena ko.”

Ang serye ay mula sa pamamahala ni Direk Eduardo Roy at tinatam­pukan nina Meg Imperial, Fabio ide, Elizabeth Oropesa, Tanya Gomez, at iba pa

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …