Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ton Ren Tang Chinese medicines outlet sa Gandara St., sa Binondo sampal sa mukha ng FDA (Illegal vaccines ‘baka’ mailusot)

HABANG nagmumukhang tulo-laway ang mga Pinoy sa paghihintay ng CoVid-19 vaccines (dahil sa ibang bansa ay patapos na ang bakunahan), nakalulungkot na mayroong mga negosyante ang nagsasamantala para pagkitaan o pagkamalan ng malaking kuwarta ang pandemya.

Isang Chinese medicines outlet ang inirereklamo ng ilang kapwa negosyante na mukhang nagpapalusot umano ng illegal CoVid-19 vaccines.

Ibang klase raw ang lakas ng loob ng Chinese medicines outlet na ito sa Gandara St., diyan sa Binondo, Maynila dahil ipinagmamalaki na may sanggang-dikit sa Food and Drug Administration (FDA).

Aba, FDA Director General Eric Domingo, Sir, mukhang sinusubukan nitong Ton Ren Tang diyan sa Gandara ang kalibre mo.

Naikot na ba ng intelligence operatives ‘yang area na ‘yan ng Chinese medicines outlet na ‘yan sa Gandara?!

Kahit paulit-ulit at patuloy na sinasabi ng FDA na mag-ingat sa mga nabibiling Chinese medicines sa Binondo, mayroon pa rin naglalakas ng loob na magpalusot ng mga ilegal at iregular.

Paano kung ilang mapeperang Chinese o Chinoy o Pinoy ang ‘sumalisi’ ng bakuna riyan pero hindi ligtas?!

Kailangan pa ba ng isang ‘deluby0’ bago kumilos ang FDA, DG Eric Domingo?

Tsk tsk tsk…  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …