ITINANGHAL na Best Feature Film sa 6th Chauri Chaura International Film Festival sa India ang pelikulang Tagpuan na nakakuha ng 11 nominasyon at 2 awards (3rd best picture at best supporting actress para kay Shaina Magdayao) sa Metro Manila Film Festival 2020.
“Hanggang tenga ang aking ngiti. Such good news! This is once again a testament to the Filipino talent and creativity. Congrats to Direk Mac who did a brilliant job in intertwining the medium’s space and time with its emotions, places, and characters to effectively narrate Ricky Lee’s wonderfully captivating screenplay. Congratulations also to my co actors, Iza Calzado and Shaina Magdayao and everybody who worked on our film,” ani Cong. Alfred Vargas na isa sa bida at prodyuser ng pelikula.
Sinabi naman ni direk McArthur Alejandre, na ang Tagpuan ay, “ode to brokenness and love that cannot be. It is about finding one’s roots and home in places one can never call their own.”
Ang Tagpuan ay istorya ni Allan (Alfred) na nahiwalay ng limang taon sa kanyang asawang si Agnes (Iza Calzado) nang ‘di sinasadyang magkita muli sa New York ay sinubukang ibalik ang pagmamahal. Subalit parang pinagmumultuhan si Allan ng past encounter niya kay Tanya (Shaina Magdayao), ang misteryosang babae na nakilala niya sa Hongkong.
“Tagpuan is the story of Filipinos all around the world. Through this film, we were able to tell our story and share our emotions, culture, sensibilities, and worth to the rest of the world,” sambit pa ni Alfred.
Bilang actor, committed si Alfred sa kanyang craft. At bilang producer, passion niyang mag-produce ng pelikula ukol sa mga Filipinos at para sa mga Filipino.“This Best Feature Film award from an International film festival is an inspiration for me to produce more films that are truly Filipino in spirit and are competitive in quality when placed on the international stage. Definitely, more quality films can be expected from AV Cinema.”
Ang Chauri Chaura International Film Festival ay ikalawang international film festival para sa Tagpuan dahil noong isang buwan kasali ito sa Dhaka International Film Festival. (MVN)