Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian at Dingdong ‘di kayang wasakin ng fake news

HINDI apektado, bagkus ay tinawanan lang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kumalat na buntis si Lindsay de Vera at ang actor umano ang ama!

“Wala nga, eh. Deadma lang ako.

“Sabi ko… alam niyo, nag-aasaran lang kaming dalawa.

“Sabi nga niya, ‘Nakita mo ba ‘yung tsismis sa akin?’ Sabi ko, ‘Oo, nakakatawa.’

“Tawang-tawa talaga ako ‘tapos niloko ko siya, sabi ko, ‘Ano ba ‘yan, ang daming buntis-buntis.’ Sabi ko, ‘Beke nemen, baka ako ang susunod diyan.’” 

Nagkatrabaho sina Dingdong at Lindsay noon sa serye ng GMA na Alyas Robin Hood (September 2016 hanggang November 2017).

Nakausap namin si Marian sa zoom mediacon ng ineendoso niyang WalterMart  na endorser din ang anak nilang si Zia. May cameo pa sa TVC ang handler ni Marian na si Tristan Cheng bilang delivery guy ng supermarket na guwapo at biro nga ni Marian, mas mahal pa ang talent fee kaysa kanila ni Zia.

Still on WalterMart, malaking tulong sa mga netizen ang kanilang delivery service lalo sa panahon ng pandemya na takot tayong lumabas dahil nagkalat ang germs at virus sa paligid. Kaya pinakaligtas na nga na umorder na lang at idedeliver na lang sa bahay.

Samantala, five years and going strong ang pagsasama nina Marian at Dingdong kaya imposible na silang wasakin ng mga fake news.

“Pero siyempre, sa ngayon, kung ano ang mayroon sa amin ni Dong ay pinasasalamat namin at pinagtitibay namin lalo na at may dalawa kaming anak.

“The mere fact na nagpakasal kaming dalawa, malinaw sa aming dalawa kung ano ang gusto naming mangyari sa buhay.

“Nagpakasal kami, humarap kami sa Panginoon. Sumumpa kami na sa hirap at ginhawa ay magkasama kaming dalawa, tutuparin namin ‘yun hanggang sa nasa kabilang buhay kaming dalawa.”

Nilinaw din ni Marian na hindi totoong buntis siya, wala pang baby number three, pero kung ibibigay sa kanila ay isa itong biyaya mula sa langit.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …