Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez at Katrina Halili, mas naging close sa lock-in taping ng Prima Donnas

IPINAHAYAG ng premyadong aktres na si Aiko Melendez na ibang klaseng experience para sa kanya ang lock-in taping nila para sa top rating afternoon series na Prima Donnas.

Nahirapan man daw sila sa ganitong new normal na sistema, may mabuting epekto rin ito sa kanila.

Esplika niya, “Mahirap na masarap iyong taping po namin. Mahirap, kasi malayo sa pamilya po, pero naging mas madali kasi parang may na-build na po kaming samahan and pamilya na ang turingan po namin. Like sa day offs namin, may get together po kami over lunch and Bible study po also.”

Inusisa rin namin siya kung may positive effect din ba ang lock-in taping?

Lahad ni Ms. Aiko, “Iyong positive effect po is naging tight ang bond namin po. Lalo na kami ni Katrina (Halili), mas naging close kami ni Kat (nickname ni Katrina) sa taping na lock-in.

“Kasi rati, aloof po ako sa kanya, but now mas at ease na po ako and magka-text na kami and lagi kaming nagkuku­mustahan.

“Actually, nagkaroon kami ng separation anxiety po ni Kat,” nakangiting saad pa ni Ms. Aiko.

Sa pagtatapos ng Prima Donnas, nabanggit din niya ang dapat abangan dito. “Iyong story and twists po ang dapat abangan po, kung mahuhuli na ba si Kendra?

Ano ang ipaparusa sa kanya kung mahuli po siya, at iba pa.”

Naibalita rin ng award-winning Kapuso actress ang tungkol sa kanyang YouTube channel. Aniya, “Super-happy ako sa YT Channel ko, kasi parami nang parami po subscribers ko and habang wala akong work, that keeps me busy po. Ang pinakahumataw sa views, ‘yung prank po namin ni Jillian (Ward) na umabot na po sa almost 4 million views in one month po.”

Patuloy pa ng aktres, “Marami po akong collab na gagawin and exciting guests na politicians po. Both from admin and not admin… Ige-guest ko rin po si Sen. Manny Pacquiao and Jinkee and si Mayor Joy Belmonte and Mayor Herbert Bautista, sa magkahiwalay na interview po,” nakangiting esplika pa niya.

Thankful din si Ms. Aiko dahil very supportive sa kanya ang BF na si Zambales VG Jay Khonghun, na pati content ng YT niya ay tumutulong itong mag-isip.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …