Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James umayaw na sa Soulmate

ANO na kaya ang mangyayari sa career ni James Reid ngayong tinanggihan na rin niya ang The Soulmate Project na pagsasamahan sana nila ng isa sa miyembro ng Momoland, si Nancy McDonie?

This year na sana ito uumpisahan na dapat ay last year pa pero dahil sa pandemic hindi agad ito nagawa.

Sa Hangout with James Reid via TaxWhizPH’s Kumu channel, inilahad ni James na hindi na nga siya makakasama sa proyekto nila ni Nancy.

Ani James sa video, ”Soulmate I won’t be doing Soulmate,” iiling-iling na sabi nito.

Last December 2020 ay in-announce pa ng Kapamilya Online World na tuloy ang international series na pamamahalaan ng Dreamscape Entertainment.

Ayon sa KOW, ”Tuloy parin ang The Soulmate Project nina James Reid at Nancy Mcdonie of Momoland from Dreamscape Entertainment. 

#IkawAngLiwanagAtLigaya  #TheSoulmateProject.”

Kasama rin sa mga ipinakitang aabangang show sa ABS-CBN’s 2020 Christmas Special ang nasabing series.

Pero noong Martes, isang video post ni James nga ang lumabas na nagsabing hindi na niya gagawin ang Soulmate. Naitanong na namin ito sa taga-Dreamscape pero habang isinusulat ito’y wala pa rin kaming natatanggap na kasagutan.

October 4, 2019 nang magsagawa ng story conference ang ABS-CBN at i-announce ang proyektong pagsasamahan nina James and Nancy. Inanunsiyo ring si Antoinette Jadaone ang magdidirehe at magsusulat ng Soulmate.

Sinabi pa nga ni Jadaone na isusunod ito sa K-drama format na 13 episodes canned. At gusto rin niyang hintayin ang pag-lift ng restriction sa paggawa ng pelikula/series dahil hindi posibleng i-shoot ito na 70 katao lang ang puwede sa set.

“Ayoko siyang i-revise, i-scale down just to fit the safety protocols. Feeling ko magiging iba iyong kalalabasan kapag ipilit natin sa ganoon,” ani Jadaone sa isang interbyu.

Sa pagtangging ito ni James, ano na ang naghihintay sa kanya? May career pa ba si James? Sino kaya ang ipapalit ng Dreamscape kay James kung sakali?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …