Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P15 bilyones kada taon parang lintang sinisipsip ng LTO sa sambayanan

HINDI natin alam kung saan pa nanghihiram ng kapal ng mukha ang Land Transportation Official (LTO) dahil sa kanilang mapagsamantala, mapanghuthot, at mga patakarang maliwanag pa sa sikat ng araw na matatawag na raket o haldap.

At mismong ang mga mambabatas sa Senado ay nakita at napuna ang ‘eskimang’ pinagkukuwartahan ng mga ganid na opisyal sa LTO.

Tahasang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang maraming bayarin na ipinapataw ng LTO ay isang industriya ng ‘pagkakamal ng ganansiya’ gamit ang pribatisasyon ng mga serbisyong dating ginagawa ng pampublikong tanggapan.

Ayon kay Recto, ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ay lumilikha ng P8-bilyong ‘kita’ kada taon para sa private inspection firms, habang ang sapilitang pag-i-enrol sa driving schools ay may potensiyal na magbigay ng P7.5 bilyong kita kada taon sa mga may-ari nito.

Sabi nga ni Senador Recto, hindi pa naman daw puwedeng tawaging ‘holdap’ ang ‘raket’ o gimik ng LTO, dahil ang layunin na inilahad nila ay ‘kapuri-puri’ ngunit ang implementasyon ay ‘kahindik-hindik’ at ‘hindi kaibig-ibig.’

Sa ilalim ng Republic Act 10930 – ginamit na basehan ng LTO Memorandum Circular 2019-2176 –ginawang rekesitos ang submisyon ng driving school certificate – hindi umano ito nangangahulugan na kailangan nilang mag-enrol sa private driving academies.

Bakit nga naman kakailanganin pa ng certificate at diploma na nagsasabing nag-enrol sa isang private driving school ang isang driver gayong may driving test naman na ipiagagawa ng LTO kapag kumukuha ng lisensiya o nagre-renew ng lisensiya?

Sa bagong driver puwede ninyong gawin ‘yan. E sa mga ‘tinahirang’ driver, mipatutupad pa ba ninyo ‘yan?

At dahil walang matinong maisagot ang mga opisyal o kinatawan ng LTO, agad naghain si Senator Recto ng Senate Resolution 638 para patigilin ang operasyon ng private Motor Vehicle Inspection Centers sa buong bansa hanggang maisagawa ang comprehensive public consultation.

Hindi pa nga natatapos ang isyu ng kontrobersiyal na rekesitos sa renewal ng lisensiya at iba pang bayarin heto’t umarangkada ang safety child seats na gustong ipatupad ng LTO at ang lalabag ay pagmumultahin nang mahigit pa sa kinikita ng isang driver o ng mga magulang na nagsisikap mabigyan ng kaginhawaan ang mga anak sa kanilang pagbibiyahe bilang pamilya.

Mantakin ninyong maglabas na naman ng memorandum base umano sa batas na iniakda sa Senado na ang mga batang may taas na 4’11″ pababa ay kailangan gumamit ng safety child seats.

Bukod sa yayamaning presyo ng safety child seats, gusto natin itanong, ganoon din ba ang magiging rekesitos ng LTO sa mga pampublikong sasakyan gaya ng bus, jeepney, grab, taxi at LRT/MRT?

Magpo-provide rin ba sila ng safety child seats para sa mga pasahero nilang bata? Kung saka-sakaling dumating ang panahon na puwede nang bumiyahe ang mga bata?!

Mantakin ninyo maging ‘yang Republic Act 11229, o ang Child Safety in Motor Vehicles Act, nagawan pa ninyo ng paraan na pagkuhaan ng raket?

Uulitin lang po namin ang sinabi ni Senator Recto, sa rami ng mga ipinapataw na bayarin ng LTO, para silang kalaykay na kayang-kayang makalikom ng P15 bilyones sa loob ng isang taon.

Ang siste, ‘yang P15 bilyones  ay ‘yung tinatayang kita ng mga pribadong kompanya na magiging ‘kasabwat’ este katrato ng LTO para ipatupad ang kanilang pinagkikitaang iba’t ibang klase ng rekesitos. 

Transportation Secretary Art Tugade, LTO chief Ed Galvante, mga sir, baka nalilimutan po ninyong nasa pandemya tayo… kung ano-ano ang mga naiiisp ninyong gimik?!

Napaka-‘hyperactive’ ninyo… baka naman gusto ninyong magkaroon ng intervention? Intervention ng matitinong opisyal ng gobyerno na silip na silip ang mga raket ninyo.

Hoy, moderate your greed naman! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *