Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cloe Barreto, nagpaka-daring sa pelikulang Silab

ISANG babaeng wild ang gagampanan ni Cloe Barreto sa kanyang launching movie na pinamagatang Silab. Ito ay pinamahalaan ng award-winning direktor na si Joel Lamangan.

Aminado ang seksing newbie actress na naniniwala siyang sa pelikulang ito’y hindi mabibitin ang mga barakong mahihilig sa mga eksenang pampainit.

Nakangiting esplika ni Cloe, “Feeling ko po, hindi naman sila mabibitin sa movie namin.”

Dagdag pa niya, “Siguro po ‘yung iniisip ng iba, na gustong mapanood o makita rito… makikita po nila sa movie namin.”

Kaya dapat asahan ng mga barakong manonood na hindi sila mabibitin sa mga pasabog ng alindog dito ng katakam-takam na si Cloe, na nagpaka-daring nang husto para sa ikagaganda ng kanilang pelikula.

Gumaganap dito si Cloe bilang si Ana, na naghanap ng kakaibang init ng pagmamahal sa ibang lalaki, nang hindi niya maramdaman ito sa mister niyang si Jason Abalos. Ito’y nakita niya kay Rod (na ginagampanan ng hunk actor at Clique V member na si Marco Gomez), na may asawa rin at sila’y kapwa nasadlak sa isang masalimuot na bawal na relasyon.

Since aminado siyang crush si Jason, nailang ba siya sa eksena nila?

Tugon ng tisay na aktres, “Noong una po, pero sinabi po sa akin ni Kuya Jason na huwag akong mahiya, kasi raw para magawa namin nang tama iyong eksena. Kasi, makikita po sa camera kung naiilang or nahihiya ako.”

Si Cloe ay member ng Belladonnas at nasa pangangalaga ng mabait na talent manager at lady boss ng 3:16 Events & Talent Management na si Ms. Len Carrillo.

Ang Silab ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network. Tampok din sa pelikula sina Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …