Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris sa tanong kung mag-aasawa pa siya? Yes because gusto kong may kakwentuhan, kakulitan…

NAALIW kami sa pagbabasa ng mga tanong ng netizens kay Kris Aquino para sa  kanyang Because memes. Ito ‘yung nag-viral na interview niya kay Kim Chiu na naging bukambibig nga ang salitang ‘because.’

Kumalat iyon sa Facebook at naging trending topic sa Twitter. Nakarating iyon kay Kris kaya ginawa na niya sa kanyang Instagram t maraming netizens at celebrities ang nakisali sa pagtatanong.

Aliw din naman ang mga sagot ni Kris ilan dito ay ang tanong na, ‘Mayor HB loves you, because?’ Na sinagot niya ng, ”he doesn’t…because if he did we would be together. Hindi ko niloloko ang sarili ko.”

May tanong din kay Kris na, ‘Kris how’s your lovelife na?’ Sagot niya, ”because I’ve learned—for as long as he gets bimb’s okay then I can take the risk—but unless we’re married, he will NEVER appear in any of my posts. Because deserve namin ang patibayin ang samahan bago ko sya ipakilala sa inyo. Lessons learned the hard way.”

At dahil na-announce na ni Kris ang pag-alis ng Metro Manila at maninirahan sa probinsiya sa tabing-dagat, may nagtanong kung saang beach house sila mag-stay ni Bimby. Ani Kris, “hindi kami sa Luzon because what my real estate broker found is in the Visayas.”

Tinanong din si Kris kung naniniwala siyang love is lovelier the 2nd time around? Sagot ni Tetay, ”no because sa history ko, wala talaga akong binalikan.”

Tanong pa ng netizens, ‘lampa ka because?’ At sinagot niya ito ng, ”because may problem sa middle ear ko & now because of my autoimmune issues & all my maintenance meds.”

At dahil wala pa siyang boyfriend hanggan ngayon, natanong din ito sa kanya. Sagot ng nanay ni Bimby, ”because the next person i have a relationship with, will be the person I’ll spend the rest of my life with.”

‘Titigil ka na ba mag artista because,’ tanong pa kay Kris. ”hindi pa & hindi i-a-aanounce because I believe when it’s time, I’ll just do it.”

Why don’t u tru to put up ur own network?’ Sagot niya rito, ”because I’m not rich enough.”

May tanong din na, ”Nakikita mo pa ba self mo mag-aasawa pa ms kris?”

Positibong sagot ni Kris, “yes because gusto kong may ka kwentuhan, kakulitan, at kakampi. And ready na si bimb…most of all ready na ko to give all of this up if he wants a quiet & peaceful life.”

So there, marami pang tanong ang netizens at kung gusto ninyong makisali sa pagtatanong, check n’yo lang ang IG ni Kris.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …