Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JP, JC, at TBA nasa bucket lists ni Janine

HINDI pala nagdalawang-isip si Janine Gutierrez na tanggapin ang pelikulang Dito at Doon nang ialok ito sa kanya.

Rason ni Janine, ”I got a text and all it said was a movie with JP Habac and JC Santos under TBA Studios. ‘Yung tatlong ‘yun, lahat nasa bucket lists ko so I was like, whatever this is, it must be good. So sabi ko yes please. True enough, when I read the script ang ganda niyong pagkakasulat.”

Gagampanan ni Janine sa pelikula ang karakter na hindi pa nagkaka-boyfriend since birth kaya naman humingi siya ng payo mula sa kanyang mga kaibigan para magampanan niya ito ng tama.

“Ang peg ko, ‘yung mga kabarkada ko na no boyfriend since birth. In-interview ko sila… Kakatanong ko lang din actually on my Instagram yesterday, ‘Lahat ng no jowa since birth, bakit?’ Nakakatuwa ‘yung answers kasi ang daming different answers. ‘Yung iba priority ‘yung school or ‘yung iba hindi lang daw talaga ligawin. Iba-iba siya for everyone,” anang dalaga ni Lotlot de Leon.

Bukod kay JC, makakasama rin ni Janine sina Victor Anastacio at Yesh Burce. Ito ay mula sa TBA Productions.

Sa kabilang banda all praises naman si JC kay Janine. Aniya, magaling si Janine.

“I think isa pa sa pinaka-strength ni Janine ay super raw siya dahil hindi siya ma-technique na tao. ‘Yung iba kasi tumitiyempo pa sa kamera, ito parang in a way nagawan namin parang theater process.

“Nagkaroon kami ng mga eksenang halos umuulit-ulit and she manages to make it fresh everytime.”

Award winning actress na si Janine. Nanalo na ito sa Gawad Urian at Famas bagamat magaling na actor din si JC, natanong siya kung hindi ba siya na-intimidate sa aktres.

“Hindi, eh, ha, haha.  Nakatrabaho ko na kasi siya bago pa nangyari ‘yung best actress niya. Magaling na talaga siya,” sagot ni JC.

Mapapanood na ang Dito at Doon sa mga sinehan sa March.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …