Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Newbie hunk actor na si Marco Gomez, nagpa-sexy ng katawan para sa Silab

IPINAHAYAG ng newbie hunk actor na si Marco Gomez na nakaramdam siya ng excitement at kaba nang dumating ang biggest break niya sa showbiz via the movie Silab.

Ang pelikula ay tinatampukan ni Cloe Barreto at mula sa pamamahala ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Aniya, “Noong una, sobrang excited ako, lalo nang sinabi ni Direk Joel na, ‘Marco, Ikaw ang leading man doon.’ So, I was very excited about it. But then, when I went home, nandoon iyong kaba… kinabahan talaga ako. Kaya ang ginawa ko, nag-workout ako everyday at binasa ko iyong script araw-araw, para maging perfect ‘yung shoot.”

Lahad ni Marco, “Iyon ang part ng preparation ko, nagpa-sexy ako ng katawan. Kasi ang mga shoot namin, lagi kaming nasa beach e, kapag nasa beach ang suot ay madalas na naka-sando, trunks or topless.”

Aminado rin si Marco na sa simula ay nahirapan siya sa pelikula dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita ng Tagalog.

Esplika ng aktor, “At first, nahirapan po ako kasi siyempre, Tagalog isn’t my first language, I’m from Austria. The first two days was kinda hard for me because although I have memorized the lines, it’s hard for me to deliver, let’s say, correct pronunciation…

“Siyempre nahirapan po ako roon, pero at the end of the day, sabi sa akin ni Direk Joel, ‘Just be you, just be in character, and just do whatever you feel about the character, just feel it’. Kaya iyon po ang ginawa ko.”

Since may maiinit silang love scene sa pelikula, paano niya inalagaan si Cloe?

Tugon ni Marco, “For me kasi, siyempre we’ve known each other for three years already, and since Circle of Ten, we’ve treated each other as brothers and sisters, like best friends. So, it was very hard for us to connect each other sexually.

“But off set, that’s really… we just did our job, we didn’t see each other as brothers and sisters anymore, we saw each other as our characters already. So, I saw her as Anna and she saw me as Rod, so ‘yun.”

Sa panig naman ni Cloe, tiyak na magiging laman siya ng pantasya ng maraming barako sa alindog na masisilip sa kanya sa pelikulang ito na launching movie ng magandang aktres.

Kung nagpatikim at nagpasilip si Cloe ng kanyang kariktan sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbidahan ni Sean de Guzman, mas matinding init ang mararamdaman ng moviegoers sa bago niyang pelikulang ito.

Pero, hindi lang ang kaseksihan at karisma ni Cloe ang mapapansin sa pelikulang Silab, kundi ang galing niyang umarte at ang ganda ng kabuuan ng bagong obra ni Direk Joel.

Anyway, si Marco ay 22 years old at lumaki sa Austria. Isa siyang singer, martial arts black belter, at magaling sumayaw dahil member siya ng Clique V.

Siya ay six footer, moreno na tipong Richard Gomez ang dating, at wish niyang sundan ang yapak ni Goma.

Sa galing ni Direk Joel at sa suporta ng talent manager at lady boss ng 3:16 Events & Talent Management na si Ms. Len Carrillo, hindi kami magtataka kung malayo ang marating ni Marco.

Ang Silab ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network. Tampok din dito sina Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …