Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine handang sumabak sa GL series/movies

AMINADO si Janine Gutierrez na nailang siyang kaeksena ang kanyang inang si Lotlot de Leon sa pelikulang Dito at Doon handog ng TBA Studios at WASDG Productions na mapapanood na sa March 17.

Mag-ina ang role nina Janine at Lotlot sa Dito at Doon na hindi okey ang samahan.”Medyo nailang, parang mas nahihiya kasi ako sa kanya kaysa ibang artista na nakakasama ko.

“Pero nag-enjoy ako working with her kasi ang relationship namin dito as mother and daughter sa pelikula hindi kami masyadong okey. Palagi kaming nagsasagutan which is not how we are in real life. So, medyo pinagsasabihan niya na ako at talagang natatakot ako sa kanya .”

Kaya naman na-excite siya sa role nilang mag-ina, “ Exciting siya to see what kind of dynamic we had here in ‘Dito at Doon’ kasi ibang-iba sa kung paano kami sa totoong buhay.

“Medyo masaya rin naman na ganoon ang character na ginampanan namin kasi first time kong nasungitan ‘yung nanay ko kasi talagang ipinangaral niya sa amin respeto, ‘wag kang sasagot. Pero rito napaka-strong ng character na minsan ganyan tayo na parang mas nanay pa tayo sa mga nanay natin. ‘Doon namin naipakita ‘yung ganitong klaseng relationship ng mag-ina.”

At dahil sa galing ng kanyang ina, kinabahan siya. “Napakagaling po ni talaga ni mama, kaya mas kinakabahan ako at the same time mas madaling mag-react kasi iyong ibinibigay niya sa iyo syokot.”

Saman­tala, natanong si Janine kung handa ba siyang sumabak sa GL series or movie o girls love movies?

At walang kagatol-gatol na sinagot niya ito ng, ”Yes, of course.

“I’ll always wanted… actually mayroon akong chance na mapasama sa isang pelikula, it didn’t push thru, sayang.

“It’s always something that I’m hoping na magawa, tingnan natin.”

At kung sakaling matuloy ito, sino naman ang gusto niyang makapareha?

“Ang daming mahuhusay na artista andiyan sina Liza (Soberano), Nadine (Lustre), Lovi (Poe), Alex de Rossi.”

Kasama rin sa Dito at Doon sina Victor Anastacio, Yeshi Burce. Ipalalabas ito sa March 17 in 50 cinemas.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …