Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cloe Barreto, another Jaclyn Jose or Chin Chin Gutierrez

MALAKAS at buo ang loob. Ganito ilarawan ni Ms Len Carillo ang alaga niyang si Cloe Barreto, bida sa Silab kasama si Mark Gomez na isinulat ni Raquel Villavicencio at idinirehe ni Joel Lamangan.

Sa aura ni Cloe, nakikita ni Georgevail Kabrisante, isang editor at manunulat si Jaclyn Jose na nagbida sa Private Show. Ikinompara naman siya ni Direk Joel kay Chinchin Gutierrez sa galing at hitsura.

Kung hindi nag-pandemic nai-launch na namin siya last  year pa,” panimula ni Len ng 3:16 Management. ”Two years ago nakitaan na namin siya na handa na siya. Nagkataon lang na inabutan tayo ng pandemic.”

Handa na nga si Cloe sa sexy movies pero bagkit sexy agad, tanong naming sa kanyang manager? ”Kasi ‘yung face niya seductie. Siyempre unang-una magaling umarte, siyempre iba na itong ‘Silab.’ Pero roon sa mga workshop before na ginagawa namin nakitaan na namin siya ng galing,” paliwanag ni Len na bago pa sumabak sa pelikula si Cloe ay nakalabas na sa mga short films na ginagawa nila bukod pa sa tatlong taong pagwo-workshop.

Naikuwento pa ni Len na hindi siya nahirapang i-convince  si Cloe na magpa-sexy, ”Ganyan kalakas ang loob niyan. Tinanong ko siya kung willing ba siya to do a sexy movie, Yes agad ang sagot niya.

“Matapang siya, parang si Sean de Guzman (nagbida sa ‘Anak ng Macho Dancer’),” sabi pa ni Len na pumili rin siya ng ibang magbibida sa Belladonas subalit hindi pa handing na tulad ni Cloe.

Tinanong ko silang lahat sa Belladonas at siya ang bukod-tanging nagtaas ng kamay, sabi niya, ‘ako po!’”

Si Marco naman ay dapat noon pa napanood sa Lockdown subalit tumanggi ito dahil hindi pa handa. ”Ang role ni Sean is for Marco, nag-back-out siya, hindi pa siya ready, hindi pa kaya until now hindi pa rin daw niya kaya. Kasi men to men doon, unlike rito sa ‘Silab,’ tunay na babae ang kapartner niya.

“Siguro conservative ang family niya o pinanggalingan niya kaya hindi pa siya handa sa ganoong klase ng role na gagampanan niya. Pero ‘yung pagpapakita kaya niya as long as walang men to men na halikan kasi nga hindi niya kaya ‘yun.

Taong 2016 naman unang sumabak si Marco sa showbiz bilang singer. ”Pero I want to change my career now, I want to act,” sabi ni Marco.  ”2017 Mommy Len discovered me and put me in Clique V.”

Si Rod si Marco sa Silab na bagamat may asawa ay naghanap ng pagmamahal sa iba at si Anna naman si Cloe na asawa ni Jason Abalos na wild ang karakter kaya natagpuan ang hinahanap kay Marco.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …