Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cloe at Marco nagbuyangyang sa Silab

TO bare or not to bare!   ‘Yan ang itatanong sa    isang baguhang nakatuon ang pansin sa magiging lakad ng karera niya sa pag-aartista.

Hindi naman nga lahat eh, hahainan ng ganyang tanong.

Pero sa dalawang artists ng 3:16 Management ni Len Carrillo, na isinilang ang Belladonnas  at Clique V, dalawang nilalang ang agad na naihanda na ang mga sarili nila sa nais na tahaking landas.

Actually, mahirap. Kasi, hindi lang katawan ang ibubuyangyang mo. Kaluluwa na rin.

Eto ang nalaman namin sa dalawang  alaga ng 3:16  Management na ilulunsad sa pelikulang Silab na mula sa panulat at imahinasyon ni Raquel Villavicencio at sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Malakas ang loob ni Cloe Barreto nang magtanong ang manager nila kung sino ang kaya ng maging daring sa isang proyekto.

It took her guts na magtaas lang ng kamay! And voila, natapos na ang mga eksena niya bilang isang mapaghanap na asawang si Ana sa nasabing pelikula.

Ang leading man, isinilang sa Vienna, Austria, na ang naging tungtungan ay ang pagkanta pero sa isip at puso ay pag-aartistang nakita sa mga inidolong  JaDine at KathNiel.

Si Marco Gomez, nagpakita ng katawan sa papel niya bilang si Rod na naghahanap din ng kaligayahan sa asawa.

Pinagsanib sila ni Direk Joel sa Silab.

Naitanong ko nga kung sasakay din ba ito sa mga napanood na nating istoryang gaya ng sa Scorpio Nights o kaya ay Virgin People?

Ayon kay Marco, ”Mas dark pa ang twists and turns niya. Na sabi nga ni Direk and Mama Len, hindi pa natin napanood sa mga nauna ng mga pelikulang gaya po ng nabanggit niyo.”

Bare kung bare. Pero ang hindi pa kaya no Marco ay ang nalampasan at natawirang papel ng kanyang “kapatid” na si Sean de Guzman sa Anak ng Macho Dancer.

“Siguro in the future I can do similar roles. Pero for the now, hindi ko pa kaya na makipag-halikan or do a bedscene with another man.”

Si Cloe kaya with another girl?

“Depende rin po sa kakailanganin sa akin ng script. Pero sa ngayon, natutuwa kami ni Marco na nalampasan namin ang naging hamon sa amin ni Direk at ng produksiyon. Nakatulong na more than three years na kaming magkaibigan ni Marco. Kaya naging kampante kami sa paggawa sa mga eksena na kinailangan naming salangan in ‘Silab.’

Nabiyayaan ang mga baguhan ng presence sa mga eksena ng mga award-winning actresses na gaya nina Chanda Romero at Lotlot de Leon, with Jim Pebanco, kasama si Jason Abalos, na crush pala ni Cloe sa tunay na buhay!

Paano ba nila gagawing mag-silab ang damdamin ng mga manonood sa kanila?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …