KAPALIT ng ‘di pagpayag na makabiyahe ang provincial buses, patuloy na kumikita ang 18-passenger van mula sa Bicol at sa madaling-araw ang dating sa Araneta, Cubao.
Kuwento ng isang pasahero, dahil gusto niyang makaluwas ng Maynila dahil siya ay overseas Filipino worlers (OFW) na nagbabalak muling mag-abroad, napilitan siyang magbayad ng halagang P3,500 makarating lang sa Maynila.
Sa pag-aakalang kahit mahal ang pasahe naiiwasan ang pagdikit-dikit ng mga pasahero pero laking gulat niya na puno ng pasahero ang eighteen-seater na van. Nadagdagan pa ito ng tatlo katao na sa kabuuan ay 21 pasahero na, bukod pa sa driver.
Sabi ng source natin, mayroong bantay o lookout kada bayan na daraanan upang ipaalam na may mga checkpoints, kaya ang sistema ay umiiba ng daan ang driver ng van hanggang makarating sa Metro Manila hanggang Araneta, Cubao.
Sangkatutak na van ang bumabiyahe mula Bicol paluwas ng Maynila na umiiwas sa checkpoints.
Kung susumahin sa 20 pasahero ay aabot sa mahigit P7o,000 ang kita ng van at inaawas dito ang sahod ng mga lookout o bantay sa mga bawat bayan na daraanan.
Bulag o nagbubulag-bulagan lang ang mga awtoridad na nagsasagawa ng checkpoints sa kabikulan? Dapat kumilos ang IATF dahil mga bobo ang mga itinalaga sa checkpoints!
Buti pang ibalik ang provincial buses at limitahan ang bilang at oras.
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata