Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

10K Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) cash aid ikinasa ni Cayetano at mga kaalyado

EXTRAORDINARY times require extra ordinary measures.

Ito ang damdamin at nasa isip ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kaalyado sa pagsusulong ng isa na namang hakbang na magbibigay-tulong sa ating mga kababayan na inilugmok ng CoVid-19.

Ikinasa ni Cayetano sa Kongreso ang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program na magbibigay ng P1,500 bawat miyembro ng pamilya o P10,000 sa bawat pamilya alinman ang mas malaki.

Kasama ni Cayetano sa paghahain ng panukalang batas ang kanyang may bahay na si Congw. Lani Cayetano, dating Deputy Speakes Lray Villafuerte, Raneo Abu, Dan Fernandez, Bulacan 1st District Cong. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado, at  Anakalusugan Partylist Cong. Michael Defensor.

Malaking ginhawa ito para sa ating mga kababayan lalo’t hindi pa tayo nakababalik sa ating normal na pamumuhay dahil hanggang ngayon nariyan pa rin ang CoVid-19 at magsisimula pa lamang magbakuna ang ating bansa ngayong buwan o kaya sa Marso na sinasabing magpapatuloy hanggang tatlong taon.

Alam naman natin na sumadsad ng -9.5% ang ating ekonomiya sa taong 2020 dahil sa CoVid-19. Ito ang pinakamatinding lagapak sa aspektong pinansiyal ng Filipinas mula noong World War II.

Nakalulugmok dahil halos P2.5 bilyon kada araw ang nawala sa atin dahil sa pandemya.

Sa kanilang explanatory note, ipinaliwanag ng mga may akda ng House Bill 8597 o BPP Assistance Program na sinisiguro ng hakbang na itong mabigyan ng dagdag allowance ang ating mga kababayan na lugmok pa rin sa ngayon.

Prayoridad na makatatanggap ng cash aid na ito ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, mga nawalan ng trabaho, medical frontliners, pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs), mga indibiduwal na hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), may Philippine National ID, at ang mga nasa vulnerable sektor ng ating lipunan.

Sinabi ni Cayetano kapag maipasa ang nasabing panukalang batas ay makatutulong din umano ito na “lumakas ang household consumption, na makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya.”

Ito ang panahon na tayo ay dumanas ng pinakamatinding economic contraction mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Hindi natin maikakaila na matatag ang dibdib at matatapang ang loob ng mga Filipino kahit ano mang pagsubok ang ating hinaharap ngunit ayon kay Cayetano at ng kanyang mga kaalyado, kailangan pa rin tulungan ang ating mga kababayan na makabangon sa kanilang sitwasyon na dulot ng CoVid-19 dahil hanggang ngayon marami ang nawalan ng trabaho at kabuhayan, maraming negosyo ang nagsara, at limitado pa rin ang galaw ng mga tao para maghanap ng mapagkakakitaan dahil sa mga ipinatutupad na basic Anti-COVID protocol.

Ayon kay Cayetano, “‘Yung P10,000 per family, parang kukuha ka sa kaliwang bulsa, babalik din sa kanan, dahil iikot din ‘yon sa ating ekonomiya,” dagdag niya kung itutuloy ang pamimigay ng ayuda ay matutulungan hindi lang ang consumer kundi maging ang mga supplier at buong ekonomiya ng bansa.

Ang ating panawagan sa liderato ngayon ng Kamara, sana naman aksiyonan agad ang panukalang ito dahil mahaba-haba pang panahon ang titiisin ng ating bansa at ng ating mga kababayan dahil patuloy pa rin ang pamamayagpag ng CoVid-19 sa buong mundo.

Baka naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *