Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Talent manager na si Len Carrillo, proud na proud kay Sean de Guzman

HINDI pa namin napapanood ang peliku­lang Anak ng Macho Dancer na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan at pinagbidahan ni Sean de Guzman. Pero nang nakita ko pa lang ang teaser nito ay napabilib kami sa acting ni Sean na natural at may lalim.

Base naman sa mga nabasa at narinig naming feedback, marami ang pumuri sa ipinakitang husay ni Sean sa kanyang first starring role. Kaya hindi kataka-taka kung lalong magningning ang bituin ni Sean sa mundo ng showbiz.

Actually, bago pa man naipalabas ang pelikulang pinagbidahan niya, dinagsa na ng blessings si Sean. Una na ang pagpirma niya ng guaranteed 10 picture movie contract sa Viva Films at pagkakaroon niya ng endorsement, ang Blackwater.

Bukod dito, nalaman namin sa mabait na talent manager at lady boss ng 3:16 Events & Talent Management na si Ms. Len Carrillo na may nakakasa nang dalawang pelikula si Sean, na iba pa sa gagawin niya sa Viva Films. Plus, may TV series din ang actor.

Kaya ang pagpatok ng Anak ng Macho Dancer ay additional blessing para sa guwapitong member ng Clique V. Base sa pahayag ni Sean, makikita na seryoso talaga siya sa kanyang craft. “Pinagbubuti ko po talaga ang trabaho ko para hindi ako mapahiya. Pero bilang baguhan, alam ko pong napakarami ko pang mga dapat matutunan,” saad niya.

Ang Anak ng Macho Dancer na mula sa Godfather Productions ni Joed Serrano at tinatampukan din nina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, at iba pa, ay ipalalabas muli sa www.ktx.ph sa Feb. 5, 6 at 7 (9pm), P169 lang ang bayad dito.

Anywaykinuha namin ang reaction ni Ms. Len sa anak-anakang si Sean sa mga kaganapan sa career nito. 

“I’m so proud of him, I’m so happy at grateful sa lahat ng dumarating na blessings sa buhay ngayon ni Sean. And he really deserved it. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng taong naniwala sa kanya at ganoon din sa mga taong pumupukol sa kanya at ‘di naniniwala sa kakayahan niya… I do believe na kapag para sa kanya, para sa kanya. Napakabait na bata ni Sean kaya alam ko na malayo ang mararating ng batang iyan,” esplika niya.

Pahayag ni Ms. Len, “I’ve seen the movie, as a newcomer okay si Sean. Can’t tell you na super-galing niya dahil ako ang manager niya. But marami pa siyang dapat matutunan pagdating sa pag-arte, marami pa siyang puwedeng ilabas. Kaya I told him na kailangan pang mag-aral kung talagang gusto niyang magtagal sa industriyang ito.

“May two movies pa siya outside Viva Films na ‘di ko pa puwedeng sabihin kung ano ito, pero nakakasa na at magsu-shoot na siya sa third week ng February, it’s a comedy film. And the other one is in March, na action naman. And may teleseryeng gagawin si Sean, mag-start mag-taping ngayong March. After that, sa Viva na, hopefully mag-start na siya to film with them,” wika pa ni Ms. Len.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …