HINDI nakaligtas sa na mata ng netizens ang naging pagtanggap kay John Lloyd Cruz ng mga taga-Cabuyao, Laguna nang dumalaw ito roon para magbigay ng tulong. Ang tricycle booking application na makatutulong sa mga residente ng Cabuyao.
Paano naman, ‘tinipid’ daw ang actor dahil tatlong pirasong mamon o kalahi ang inihain dito nang makipag-usap ang actor sa pamunuan ng Cabuyao.
Isang netizen ang nag-post sa Samahan ng Makabayang Cabuyenos ng picture ni JLC habang kausap ang mga taga-Cabuyao. Roo’y binulugan ang nasabing tinapay na inihain sa actor.
Pag-alma ng netizen, ”Just wondering…Magkano ba ang hatid na income sa local na pamahalaan ng nasabing Tricycle Apps nitong si John Lloyd? Kung may say nga ba ang pamahalaang lokal sa nasabing Mobile Application na ito…Pero teka…Kng sakali may pakinabang man ang lokal na pamahalaan…Aba’y hindi naman siguro magandang hospitality ang 3 pirasong PhP5.00 na mammon o Kalahi??? Hmmmm… Ano? Tipid tipid na sagad to the bones para sa isang kilalang bisita??? Hahaha!!!”
Aba, aba! Ito nga lang ba ang inihain sa actor? Pero teka, baka naman po dessert lang ito? Ano nga kaya mga taga-Cabuyao?
Nabalita sa isang Facebook post na mismong si John Lloyd ang nag-alok sa mga opisyal ng local government ng Cabuyao ng kanyang Trike Now project, sa pangunguna ni Mayor Rommel Gecolea.
Ayon sa City Information Office (CIO) ng Cabuyao, dumalaw sa kanila si John Lloyd at inilatag ang proyektong Tricycle Booking App. Dumalo roon ang actor-politician na si Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez at ang mga opisyal ng tricycle operators and drivers’ association (TODA) ng Cabuyao para makita ang project proposal ng actor.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio