Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Light ng BGYO, binaha ng libo-libong views

MABUTI na lang at digital zoom conference ang nangyaring launching sa bagong pinagkakaguluhang P-Pop group ngayon, ang BGYO or else maririndi kami tiyak sa sobrang hiyawan.

Imagine, napakarami palang fans nitong BGYO, na hindi naman nakapagtataka dahil mga gwapo at magaling magsayaw.

Anyway, nahanap na nga ng P-Pop community ang bagong star matapos tuloy-tuloy ang pag-trending at pag-ani ng positive reviews ng music video ng debut single na The Light ng BGYO.

Nakakuha na ng 700,000 views sa YouTube channel at Facebook page ang music video ng grupo at patuloy pa itong tumataas.

Unang nakilala bilang SHA Boys, nakuha agad ng mga miyembro nitong sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang loob ng mga Pinoy nang umikot sila sa iba’t ibang Kapamilya shows. Ang kanilang performance sa It’s Showtime ay nakakuha ng milyong views at umani rin ng maraming paghanga dahil sa angking galing ng grupo.

Sa pag-premiere ng music video sa kanilang launching, muling naipakita ng grupo ang kanilang talento. Para sa BGYO, resulta iyon ng kanilang pagsisikap.

“All the hardwork was worth it, now that I’m seeing the video for the first time,” ani Akira.    

Para sa lider naman ng grupo na si Gelo, ito ay rurok ng kanilang mahaba at mahirap na pinagdaanan. ”Nakaiiyak ‘yung makita mo ‘yung journey namin leading to this,” sabi niya.

Samantala, ramdam din ang buhos ng suporta ng fans nila sa launch sa libo-libong tweets at comments na ipinost nila sa social media na puno ng paghanga sa kanila.

”Those vocals and choreo. Plus points their visuals! Complete package. ABS-CBN hit a jackpot here,” ani Rose Diaz.

“Maraming ibubuga. ‘Yung charisma nila sa stage (‘ung swag) andoon. Their visuals are all superb. Good voice too. Hindi ko makalimutan ung sa Asap! Doon ako unang naamaze sa kanila. How well they performed despite their struggle w/ their lapels,” tweet ni @poreveryoung.   

Ang debut single ng BGYO na The Light ay tungkol sa ‘empowerment,’ ‘pag-asa,’ at pagmamahal sa sarili.

Isa sa mga nakakuha ng inspirasyon sa kanta ay si Jaycel Ann Sumayod na nagkomento sa Youtube ng, ”I am really amazed that their first debut song is all about not giving up in chasing our dreams not the romance drama song that most artists release. For me it is very timely most especially we are all in this pandemic and this online class really give us a struggle but we must be brave at ipaglaban ang ating mga pangarap. Kudos to BGYO and the whole team who planned all of this especially ABS-CBN. You all really work hard for this success! Thank you! Stan BGYO! Stream.”    

Komento naman ni X- LEI8Ì”This song is so Lit. Sana meron dito yung “Song of the Year” at “Artist of the year.” Can’t wait to see more about “BGYO.”  

Sinabi naman rin ni BGYO Mikki na may plano silang i-translate ang kanta sa iba’t ibang lengguwahe para ma-appreciate din ng fans nila sa iba’t ibang bansa.

Matapos ang kanilang eksklusibong launch, napanood din sila muli sa  ASAP Natin To, na nag-perform sila ng kanilang debut single sa telebisyon.

Sa kabilang banda, sa mga hindi nakapanood ng launch noong Biyernes (Enero 29), maaari itong mapanood sa Pebrero 7 (Linggo) sa A2Z ng 4:00 p.m., Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live ng 11PM, TFC, at iWantTFC.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …