Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jillian Ward, inspirado sa bansag na The Next Marian Rivera

AMINADO ang Kapuso teen actress na si Jillian Ward na nagsisilbing inspirasyon ang bansag sa kanya bilang The Next Marian Rivera at next Marimar.

Masayang lahad ni Jillian, “Nai-inspire po ako lalo, dahil marami rin pong nagsasabi niyan. Marami pong naniniwala sa kakayahan ko bilang artista. I will work harder po.

“Natutuwa po ako na may napapansin po silang resemblances sa amin. Malaking inspiration po si ate Marian sa akin.”

Esplika pa niya, “Basta kung ano po ang ibigay sa akin ng network, grateful po ako at lagi ko pong ibibigay ang one hundred percent ko po.”

May nagsabi ba sa kanya na bagay na bagay siyang younger sister ni Marian?

Tumawa muna si Jillian bago sumagot, “Hehehe, opo, marami po akong naririnig at nababasa. Kahit po noon si kuya Dingdong (Dantes), sabi niya po na kamukha ko raw si ate Marian noong bata pa siya.”

May plano ba na magkasama sila ni Marian sa isang project in the future?

“Naku, sana po! Miss ko na rin pong makatrabaho si ate Yan (nickname ni Marian). Gusto ko po talaga na makatrabaho siya ngayong dalaga na po talaga ako, dahil mas aware na po ako sa work ko and mas matindi po ang paghanga ko sa kanya ngayon.”

Naniniwala kami na isa si Jillian sa magiging important stars sa bakuran ng GMA-7. Bukod kasi sa talented at maganda, mara­ming fans ang sumusuporta sa teen actress.

Patunay nito ang milyones na followers ni Jillian sa kanyang dalawang Facebook page. Ito ang https://www.facebook.com/JhyllianneWarde at https://www.facebook.com/MyJjjilllianWaaarrddd, na mayroong 8.5 million at 7.7 million followers, respectively.

Si Jillian ang pinaniniwalaang kauna-unahang teen actress na nagkaroon ng 1.5 million likes sa Facebook. At nagawa niya ito sa loob lang ng two weeks! Plus, ang naturang FB post ay nagkaroon din ng 28 million views!

Ano ang reaction niya na umabot ng 1.5 million likes at 28 million views ito na siguradong madadagdagan pa?

“Sa tingin ko po dahil na-surprise rin po sila na malaki na si Trudis!” sambit niya.

Si Jillian ang nagbida sa remake ng Trudis Liit sa GMA-7 noong siya ay five years old pa lang. Sa darating na February 23 ay magiging 16 years old na siya.

Patuloy ng magan­dang teen actress, “Mayroon din po akong video na umabot po ng 1.1m likes, and 58k shares in only two weeks. Pictures ko po ‘yun and may nagpe-play po na kanta na isinulat po para sa akin. Title po is Pinay Girl by techflow neri.

“At opo, nagulat din po ako dahil umabot po ng 8.5 million ang followers ko in only four months po.”

Pahabol na dagdag ng aktres, “Mayroon din po akong mga song covers dito sa Facebook po… may mga kalahating million po ‘yung likes, kaya sobrang thankful ko po talaga.”

Isa si Jillian sa tampok sa top rating TV series na Prima Donnas ng GMA-7 na tinatampukan din nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, at iba pa.

Tiniyak ni Jillian na sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang serye, maraming pasabog at kaabang-abang na eksenang matutunghayan dito. Kaya dapat itong laging tutukan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …