Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

(Janine sa impression sa ABS-CBN) It’s always impressive… Passionate ang mga tao rito

BEST foot forward, hardwork, at matuto sa lahat ng mga poste rito sa ABS-CBN.” Ito ang huling tinuran ni Janine Gutierrez kahapon sa isinagawang virtual conference ng ABS-CBN na tinawag nilang Welcome Kapamilya, Janine Gutierrez nang hingan siya ni MJ Felipe ng kung ano ang mindset niya ngayong mag-uumpisa na siyang magtrabaho sa ABS-CBN.

Kitang-kita ang excitement kay Janine at sinabi pang, “Marami akong matutuhan dito lalo na sa mga writer, creative, director. And I feel that I’m in such good hand at ibibigay ko talaga ang best ko para sa kanilang lahat at para sa lahat ng kapamilya.”

Natanong naman si Janine ni Miguel Dumaual ng abs-cbn.com ukol sa impression niya sa Kapamilya Network.

Sagot ng dalaga ni Lotlot de Leon, “The impression is always impressive. Kahit naman anong station ka mayroong respeto bilang artista na alam mo kung maganda ‘yung kuwento, kung magaling ang pagka-arte.

“And I’ve said, marami akong iniidolo rito. I also really watch the shows. And ano lang it’s very exciting because napi-feel ko ‘yung talagang sobrang passionate ‘yung mga tao rito sa ABS-CBN about the stories and about bringing forward new stories talagang reaching out to what peoples really want to see.

“Kung ano ‘yung pulso ng tao ngayon kung mas gusto ba nila ng heartfelt na kjwento o ‘yung ang lalim ng pagkakakilala sa Kapamilya. Kung ano ba ang hinahanap ng isang kapamilya sa telebisyon and it’s so amazing na ibibigay natin ang gusto ng kapamilya.”

Natanong din si Janine kung tatanggapin niya sakaling alukin siyang gumanap bilang Valentina.

It’s so interesting to me. Of course I’m a fan of ‘Darna.’ I’m a fan of old films. Actually parang may napanood ako before na ‘yung lola ko, si Mamita (Pilita Corrales) nag-Valentina before.

“Flattered ako na nakikita ng ibang tao na makasama sa ganoong klaseng proyekto, so I don’t know we’ll see.”

Pero bago ang ibang proyekto, mapapanood na si Janine sa  ASAP Natin ‘To at uumpisahan na niya ang isang teleserye. “I’m excited just the fact na may gagawin akong teleserye and pelikula sa ABS-CBN,” giit pa ng dalaga.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …