Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Batilyo timbog sa shabu

SA KULUNGAN bumagsak ng isang binatang batilyo makaraang mahulihan ng shabu ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City, kahapon ng hapon.

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang suspek na si Florence Reyes, 30 anyos, resi­den­te sa Block 1 Market 3 Navotas Fish Port Complex (NFPC) Brgy. North Bay Boulevard North ng nasabing lung­sod.

Batay sa ulat ni P/SMSgt. Nemesio “Bong” Garo, dakong 1:30 pm nang respondehan ng mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni P/Lt. Erwin Garcia ang natanggap na report hinggil sa umano’y riot sa Palengeke St., Market 3.

Pagdating sa lugar, nagtakbuhan ang mga tao sa magkakaibang direksiyon ngunit bumangga ang suspek sa patrol mobile ng mga pulis at nahulog mula sa kanyang kanang kamay ang isang plastic sachet ng hihinalang shabu.

Inaresto ng mga pulis at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Navotas City Prosecutor’s Office ang batilyo. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …