Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa taas ng presyo ng baboy HB at HC malulunasan

DAHIL sobrang taas ng presyo ng karne ng baboy, tiyak ang mga cannot afford to buy ay pigil nang kumain nito.

Pabor din sana sa mga kababayan nating may high blood at high cholesterol, puro gulay na lang ang kanilang kakainin pero may kamahalan na rin.

Ang gulay, mas kayang bilhin ng mahihirap nating kababayan kaysa karne ng baboy na apektado ng African swine fever (ASF).

Dati umano, P200 ang angkat mula sa farm hoggers, na dati ay P80 lamang ang idadagdag sa pamilihan hanggang P300 pero pumapalo na ito hanggang P400 na halos pumarehas sa presyo ng karneng baka.

Dapat bang magpasalamat ang mga may high blod pressure kay Pangulong Rodrigo Duterte? Dahil magkakaroon na ng CoVid-19 vaccines at dahil sa taas ng presyo ng karneng baboy?

Kung tuyong isda na lang kaya, maalat naman! Ligtas sa cholesterol pero hindi sa high blood. ‘Yung nga lang, sa panahon ngayon kahit hindi kumain ng karneng baboy, sa presyo pa lang may alta presyon ka na.

Marami ang sinisisi ang admi­nistrasyon na pinababayaan uma­no ang patuloy na pag­taas ng presyo ng karneng baboy dahil ang sentrong pinagtutuunan ng Malacañang ay CoVid-19 vaccines.

Habang abala sa vaccines ay nalimutan na ang problema kung paano bibigyan ng solusyon ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sabi nga, pulos kama­lasan ang admi­nistrasyong Duterte, kaya ang sentro ngayon ay pagkakakitaan, gaya ng vaccines at iba pang dahilan ng mga pagtaas ng bilihin.

Ang tanong, bakit ganito ang nangyayari sa administrasyong Duterte? Kalusugan ng tao o kalusugan ng bulsa?

Kamakailan ay inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo bilang Presidente ang anak niyang si Mayor Sarah Duterte, gusto ba ninyong maulit ang mga karanasan ng bansa natin?

Naniniwala ba kayo? Kung ang Pangulo noon pa man ay pabago-bago ng sinasabi… esep-esep tayong lahat!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …