Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LTO ‘pahirap’ sa bayan (Galvante pasanin ng motorista)

AYAW nang lubayan ng Land Transportation Office (LTO) sa termino ni chief Edgar Galvante na maging public enemy number #1 dahil sa walang katapusang pagpapahirap sa bayan.

Mula sa isyu ng plaka ng sasakyan, lisensiya ng driver, hanggang sa programang jeepney phaseout and modernization, ang LTO ang numero unong pahirap sa bayan.

Ang pinaka-latest ang pagtatanggol ng LTO sa privatization of motor vehicle inspection centers (PMVICs) bilang bagong sistema at rekesitos sa pagpaparehistro ng sasakyan.

Sabi ni Galvante, lahat ng sasakyan ay kailangan sumailalim sa inspeksiyon gamit ang PMVIC equipment upang ma-evaluate ang car performance and roadworthiness.

“All vehicles that need to be registered have to go through the process to determine whether  registration will be renewed. Previously, there was a policy that vehicles 15 years or older can no longer be registered. But now, the basis (for renewal is the) roadworthiness of the vehicle rather than the age,” sabi ni Galvante.

Iisyuhan ang mga may-ari ng sasakyan ng certificates of roadworthiness kapag nakapasa sa inspeksiyon, at ibibigay sa LTO para sa renewal ng car registrations.

Sa pamamagitan umano nito mababawasan ang aksidente sa kalye.

Heto ngayon, ang bayad sa inspeksiyon ay P1,500 to P1,800. 

Ang bagong rekesitos at ang presyo ay bigla na lamang ipinataw ng LTO nang walang konsultasyon sa publiko.

Sabi ni Galvante, rasonable raw ang presyo dahil ang

PMVIC operators ay kailangan maibalik ang kanilang investments at tiyakin na magtuloy-tuloy ang kanilang operations.

Pribado ang PMVIC, kasi raw wala raw kakayahan ang gobyernong magpatakbo o gumawa ng sariling MVIC dahil sa  kakulangan sa pondo.

Sa kasalukuyan, mayroong 24 PMVICs mayroon sa buong bansa. ‘Yun lang…

Sa mga area na walang PMVIC, ang kasalukuyang sistema ng emission testing at LTO inspections ang kikilalanin.

Wattafak!

E puwede naman pala ‘yung ganoong sistema bakit may PMVIC pa? Kikilalanin naman pala.

Bakit ba kailangan, may epal ang mga pribadong kompanya bilang service provider?!

Tapos sasabihin ninyo wala kayong control. E bakit ‘yung mga ganoong sistema na nagpapahirap sa sambayanan ang ipinaiiral ninyo, Mr. Galvante?

Parang wala na kaming nabalitaang ginawa ang LTO na nakatutulong sa bayan o sa publiko?!

Lahat na lang ng ginagawa ninyo puro pahirap sa bayan lalo roon sa mga operator ng mga public transportation.

Ano ba talaga ang papel ng LTO, mag-ipon ng ‘pabaon’ o magserbisyo sa bayan?

E sa totoo lang, uulitin na naman natin, hindi naman sa inyo nagagalit ang tao, kundi sa pangulo.

Kawawa naman si Pangulong Digong minumura ng tao dahil sa mga katulad ninyo.

Tsk tsk tsk…

Kailan kaya gagawa ng bagong patakaran ang LTO na matutuwa ang sambayanan?!

Siguro, kapag hindi na sila uso!

Hay LTO, public enemy #1 talaga kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *